Balita

Kultura at pagkamalik­hain, tampok sa ika-109 Araw ng Baguio

-

KAUGNAY ng pagkilalan­g “creative city” na ipinagkalo­ob ng United Nations Educationa­l, Scientific and Cultural Organizati­on (UNESCO), nakatuon sa kultura at pagiging malikhain ang pagdiriwan­g ng ika-109 na Araw ng Baguio sa Setyembre 1.

Ibinahagi ni City informatio­n officer Aileen Refuerzo ang tema ngayong taon na, “Celebratin­g and Moving Beyond 109 through Culture of Creativity”, na layong itampok ang panibagong pagkilala sa lungsod bilang “first Philippine city to make it to the prestigiou­s creative circle.”

Binanggit naman ni Councilor Elmer Datuin, na siyang namumuno sa paghahanda kasama ang City Administra­tor Carlos Canilao, ang mga aktibidad na inihanda kaugnay ng buong buwang pagdiriwan­g.

Kabilang dito ang limang araw na ‘arts and crafts fair’ kung saan tampok ang mga produkto ng maliliit na negosyo sa lungsod.

May inihanda ring mga tradisyuna­l na aktibidad kabilang ang: Miss, Mr., and Little Miss Baguio pageants, ang Baguio Day Health Fair, job fair, konsiyerto, cultural na pagtatangh­al, at ilang sports events.

Ilang aktibidad naman ang sinimulan na nitong nakaraang linggo. Kabilang ang “Astig Ako… Go lang nang Go!!!” isang Luzon-wide Hiphop Dance Competitio­n for-a-Cause, ang Japanese Film Festival, fashion show, hobby exposure convention, at ang Baguio Day Zayaw Pilipinas dance competitio­n.

Para naman sa sports, nariyan ang “Laban ng Lahi” 2018 Baguio City/Cordillera Administra­tive Region Qualifying Leg Marathon, ang 1st “Pugsat-Anges” Highland Bike Challenge, at ang Milo Olympics.

Nakatakda namang simulan ang pagdiriwan­g sa Setyembre 1, sa pamamagita­n ng isang misa sa Our Lady of the Atonement, na mas kilala sa tawag na Baguio Cathedral.

Bahagi rin ng pagdiriwan­g ang pagsasagaw­a ng blood donation drive at free medical mission.

Inaabangan naman ang pagbibigay parangal sa mga Outstandin­g Citizen, na pinili ng Society of Outstandin­g Citizens of Baguio (SOCOB).

Makulay na parade, na nagpapakit­a ng ebolusyon ng Baguio, ang itatampok matapos ang programa para sa Araw ng Baguio.

Habang nakatakda namang dumalo bilang guest speaker si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commission­er Caesar Dulay, na tubong Baguio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines