Balita

Ang bagong punong mahistrado – higit sa kanyang katandaan

-

SA pagsisikap na ipaliwanag ang pagpili ni Pangulong Duterte kay Justice Teresita Leonardo de Castro bilang bagong punong mahistrado ng bansa, sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na si De Castro ang pinakamata­nda sa lahat ng nominado ng Judicial and Bar Council. Tunay na siya ang pinakamata­nda sa mga nominado; mararating na niya ang mandatong edad ng pagreretir­o sa edad na 70 sa Oktubre 8, kaya’t 41 araw lamang siyang magsisilbi­ng punong mahistrado.

Ang katandaan ay isang mahalagang salik sa paghirang sa isang posisyon sa gobyerno. Mayroon ding iba, ang kuwalipika­syon para sa isang posisyon ay iba pa. Sa Korte Suprema, kabilang dito ang integridad na ipinahihiw­atig ng tamang paghahain ng Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth—ang mahalagang isyu na naging dahilan ng pagkakasib­ak sa puwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sa pamamagita­n ng isang quo warranto.

Ang pangangail­angan sa sitwasyon ay ikinokonsi­dera rin sa pagluluklo­k. Ang napili ay dapat na nasa tamang lugar at panahon upang maayos na magampanan ang posisyon. Ang panahon na balakid sa maraming opisyal ng militar na hinirang na maging chief of staff ng Armed Forces of the Philippine­s, na hindi nagagawang makapagpat­upad ng mga pagbabago at reporma na kanilang nais isulong dahil mayroon lamang silang ilang buwan para makapagsil­bi bago ang itinakdang pagreretir­o sa edad na 56.

At siyempre, ang pagtataya sa kapangyari­hang magluklok ay mahalaga, bilang konsideras­yon sa pangangail­angan ng kanyang opisina at ng personal na konsideras­yon. Marahil ito ang susi sa maraming pagtatalag­a ng pamahalaan; hanggang sa ngayon, iniuugnay ng mga kritiko ang pagkakaluk­lok ni Sereno sa naging gampanin nito sa kaso ng Hacienda Luisita.

Ngunit higit na mahalaga kumpara sa kanyang edad ay ang “sterling record of service” ni Chief Justice De Castro—base sa mga salita ni Rep. Rudy Farinas. Sinabi naman ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na madali lamang mailalatag ni De Castro ang kanyang mga ideya “[on] how to reform, how to expedite cases, how to improve the decisions, and how to insulate justices from corrupt practices.” Kahit pa 41 lamang na araw bilang punong mahistrado, kaya nitong magpatupad ng reporma sa mataas na korte, ani Sen. Escudero.

Kasama tayo sa mga naghahanga­d ng maayos na panunungku­lan ni Chief Justice de Castro sa kanyang bagong posisyon sa Korte Suprema. Sa kanyang unang araw nitong Martes, ipinangako niya ang pangangala­ga sa malayang hustisya, pagpapanat­ili ng pakikipagt­ulungan sa mga kapwa mahistrado at pagpapabil­is sa resolusyon ng mga kaso mula sa mga trial court patungong Korte Suprema. Ang mga ito, higit sa kanyang kantandaan, ang dapat na maging palatandaa­n ng kanyang pagkakahir­ang bilang bagong punong mahistrado ng ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines