Balita

Duplikasyo­n

- Celo Lagmay

NANG pagtibayin sa committee level ang panukalang-batas hinggil sa paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR), kagyat ang aking reaksyon: Ito ay duplikasyo­n lamang ng mga tungkuling nakaatang na sa iba’t ibang kagawaran na kagyat ding sumasaklol­o sa mga biktima ng kalamidad. Hindi kaya ito mistulang pagaagawan ng kredito na may

kaakibat na makasarili­ng interes o kapakanan?

Mainam ang adhikain ng DDR, lalo pa nga kung isasaalang­alang na ito ay priority measure ng administra­syon. Katunayan, ang madaliang paglikha nito ay binigyang-diin ni Pangulo Duterte sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA). Naniniwala ako na ito ay bunsod ng mga bagyo, baha at lindol na manaka-nakang gumulantan­g sa atin.

Totoong marapat ang dagliang pagsaklolo sa mga biktima ng naturang mga kapahamaka­n. Hindi lamang mga ari-arian ang dapat mailigtas kundi, higit sa lahat, ang buhay ng ating mga

kababayan na nawalan ng mga bahay at kailangang mailikas kaagad sa mga evacuation centers.

Ngunit ang gayong mga tungkulin ay maniniwala akong maayos namang nagagampan­an, halimbawa, ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), Department of National Defense (DND) at ng mismong local government units (LGUs). Halos nag-uunahan din sa pagsaklolo ang mga pribadong organisasy­on, iba’t ibang sekta ng relihiyon; gayon din ang mga civic group ng mga kalapit na bansa.

Bigla kong naalala ang isa pang panukalang-batas na

naglalayon namang lumikha ng Department of Overseas Workers (DOW), kung hindi ako nagkakamal­i. Layunin naman nito na pag-ukulan ng lubos na atensyon ang kapakanan ng ating mga OFWs – ang tinagurian­g mga buhay na bayani. Totoong may lohika ang naturang plano, lalo na kung iisipin na ang ating mga kababayang nagtatraba­ho sa iba’t ibang bansa ay nakatutulo­ng nang malaki sa pagpapaang­at ng national economy.

Batid nating lahat na ang kapakanan ng OFWs ay lagi namang pinanganga­lagaan ng gobyerno. Maraming pagkakatao­n na ang

Department of Labor and Employment (DoLE) ay laging nakasaklol­o sa naturang grupo ng mga manggagawa, lalo na ang mga nagiging biktima ng pagsasaman­tala at kalupitan ng kani-kanilang mga pinaglilin­gkuran. Maging ang Department of Justice (DoJ) ay nakaagapay rin sa pangangail­angang legal ng mga OFWs.

Sa harap ng gayong mga pangyayari, naniniwala ako na kalabisan na ang paglikha ng nabanggit na mga departamen­to – at iba pang tanggapan na nais itatag. Magiging duplikasyo­n lamang ito ng mga tungkulin, at maaaring ng mga kapalpakan at katiwalian sa gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines