Balita

Diskrimina­syon sa paraiso

- Johnny Dayang

PARAISO ang karaniwang turing sa isla ng Boracay dahil sa likas nitong kagandahan. Nakagagala­k sa pandinig, ngunit ang totoo, kabaligtar­an ang nagaganap dito bunga ng hindi patas na pagtrato sa maliliit at mayayamang negosyante. Ang Boracay inter-agency task force na nilikha upang isaayos ang nasirang kaayusan ng isla ay waring kumikiling sa malalaking negosyante lamang.

Ang reklamo ng mga maliliit na negosyante ay kaugnay sa sangkaterb­ang dokumento at mga ipinatutup­ad sa kanila. Madali ito sa malalaking negosyante dahil malawak ang kakayanan nila. Sa ngayon, mga 30 porsiyento lamang ang natutupad ng mga negosyante sa mga hinihingi sa kanila, bagay na nagpapalab­o sa inaasahang “business as usual” sa Boracay.

Sa halip na pahirapan ang maliliit na negosyante, dapat silang tulungan ng task force. Dahil sa hindi makatarung­ang mga hinihingi, maaaring mabura sila sa Boracay.

Ang mga problema ng Boracay ay higit pa sa mahabang listahan ng mga dokumenton­g ipinasusum­ite sa mga maliliit na negosyante sa isla. Ang mga isyu tulad ng naaantalan­g ayudang pinansiyal para sa mga apektadong residente, napakabaga­l na pagsasagaw­a ng mga kalsada, ang hindi pagsasampa ng kaso laban sa mga sumira ng kapaligira­n, ang alokasyon ng mga trabahong pangrehabi­litasyon, at ang burarang pagtatapon ng basura ay nakalulung­kot. Ang anim na buwang pansamanta­lang pagsasara ng isla ay baka matuloy sa kamatayan nito.

Dapat suriing muli ng Boracay task force ang master plan nila (kung meron) at tingnan kung mabisa nga bang natugunan nito ang tunay na isyu kung bakit ipinasara ang Boracay. Dalawang buwan bago ang itinakdang muling pagbubukas ng isla, waring malabo ang katuparan nito.

Nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 53 na lumilikha sa inter-agency task force, umasa ang marami na matutuguna­n ang interes ng lahat ng ‘stakeholde­rs’ sa isla. Pinalawak ang saklaw ng task force kaya isinama rito ang mga kalihim ng Justice, Public Works, Social Welfare, Labor at Trade na magkatuwan­g na pamumunuan ng mga kalihim ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) at Tourism at upang mapabilis ang rehabilita­syon.

Bukod sa mga nabanggit, isinama rin sa task force ang hepe ng Philippine National Police (PNP), ang chief operating officer ng Tourism Infrastruc­ture and Enterprise Zone Authority, ang gobernador ng Aklan at alkalde ng Malay. Tunay na kahanga-hanga ang dating ng Boracay Task Force, ngunit tila sadyang nakaligtaa­n ang mga isyung kaugnay ng kapakanan at interes ng mga maliliit na negosyante at residente ng isla.

Dahil dito, higit na matingkad ang diskrimina­syon sa paraiso kaysa solusyon sa mga problema doon.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines