Balita

Pag-amin sa relasyon nakatulong sa movie

- Ni ADOR V. SALUTA

MALAKING factor sa panibagong tagumpay ng tambalang KathNiel ang pag-amin kamakailan ni Daniel Padilla na mahigit five years na ang relasyon nila ng kanyang reel at real life partner na si Kathryn Bernardo.

Ito ang isa sa mga itinuturon­g dahilan kung bakit humamig ng P35.9 milyon ang The Hows of Us sa first day nito noong Miyerkules. Sa Tonight with Boy Abunda, ipinaliwan­ag ni Daniel kung bakit inamin na nila finally ni Kathryn ang kanilang five-year relationsh­ip. “Nakakapago­d na ring gumawa ng alibi, ‘di ba? I think it’s the perfect time. Pero sana ‘yung sinabi ko [na] ‘yun, hayaan na natin. Huwag na nating kalkalin. Just give a little space,” pakiusap ng aktor. Nangangara­p din umano sila ni Kathryn para sa future nila. “We daydream. Minsan nag-iisip kami sa future naming,” sabi ni Daniel.

Kaya ang payo ng aktor sa mga nakakaramd­am ng pagod sa isang relationsh­ip: “You have to make it exciting. You should do something na kayong dalawa lang. Kasi every time marami kaming kasama ni Kathyrn. And once kaming dalawa na lang, nagiging adventure siya. So mas lalo ko siyang naa-appreciate, mas lalo ko siyang nararamdam­an.”

Inamin din niyang nagkaroon na sila ng “break from each other”.

“Mabilis lang, kasi hindi din namin kaya,” sabi ni Daniel.

Payo pa ni Daniel sa mga may karelasyon: “Kailangang umabot tayo sa point na kuntento na tayo, and you will be genuinely happy.”

 ??  ?? Daniel at Kathryn
Daniel at Kathryn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines