Balita

Paolo ‘di pa puwedeng pakasalan si LJ

- Nitz Miralles

HINDI pa pala annulled ang kasal ni Paolo Contis sa ex-wife na si Lian Paz. Ito ang nakumpirma ng mga nakapanood sa interview ng 24 Oras kina Paolo at LJ Reyes. Ito ang dahilan kaya hindi pa puwedeng pakasalan ni Paolo si

LJ kahit nine weeks pregnant na ang aktres.

Sabi ni Paolo, ongoing ang annulment case nila ni Lian, at idinagdag na respetuhin na lang daw ang batas kung natatagala­n man maaksiyuna­n ang annulment case nila.

Pero may asawa na rin si Lian ngayon. Ibig bang sabihin, hindi pa rin siya kasala sa husband niya ngayon, kahit ilang years na silang nagsasama at may anak na rin?

Sinabi na ni LJ sa anak na si Aki na buntis siya at magkakaroo­n ng kapatid. Pero si Paolo, hindi pa nasasabi sa dalawang anak na babae nila ni Lian ang tungkol sa pagbubunti­s ni LJ.

“Gusto ko ako mismo ang magsabi nang personal sa mga anak ko na magkakaroo­n sila ng bagong kapatid. Pupunta ako ng Cebu para masabi sa kanila nang personal,” sabi ni Paolo.

By this time, siguradong alam na ng mga anak nina Paolo at Lian na buntis si LJ dahil nai-report na sa TV, nasulat sa mga diyaryo, at nabalita na sa social media.

Sa January 2019 ang due ni LJ na isilang ang baby nila ni Paolo, na hindi pa alam ang gender sa ngayon. Kabado si LJ na baka hindi na siya marunong humawak ng baby dahil eight years old na ngayon si Aki, na anak nila ni Paulo Avelino.

 ??  ?? Paolo at LJ
Paolo at LJ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines