Balita

TF ni Carl Malone sa ‘It’s Showtime’, nakubra na

- Ni ADOR SALUTA

NAGBIGAY na ng pahayag ang staff ng ‘Tawag ng Tanghalan’ sa It’s

Showtime tungkol sa balitang hindi pa natatangga­p ng dating ‘Tawag ng Tanghalan’ contestant na si Carl

Malone Montecido ang talent fee na kanyang naipon mula nang sumali sa nasabing programa.

Nagkaroon ng ingay tungkol dito nang mag-post sa social media ang director na si Paul

Ballano. Ayon sa kanyang post, naawa siya sa sinapit ng singer kahit na may napanaluna­n ito at umabot pa nga sa grand finals. Ayon sa kanya, hindi raw nakuha ni Carl Malone ang kanyang TF (talent fee) dahil may mga kailangan pang papeles.

Ipinost din niya ang usapan ng isang ABSCBN employee noong nakaraang taon ngunit hindi gaanong sumagot ang empleyado.

Mabilis namang umaksiyon ang Kapamilya network at nilinaw na matagal nang nairelease ang TF ni Carl, ngunit wala umanong kumukuha. Nang makapanaya­m naman ng PEP si Direk Paul, sinabi niyang inaksiyuna­n kaagad ni Direk Laurenti Dyogi ang isyu.

“Isa sa mga umaksyon nito ay si Direk Laurenti Dyogi, assured na aasikasuhi­n ito and they did. They were saying na hindi two years bago nakuha ang prizes. May balance lang daw sa mga TF nu’ng bata from TV shows and mall shows yata. Authorizat­ion letter na lang ang hiningi nila para makuha na ‘yung TF ni Carl.” Sa huli ay nakuha rin ng pamilya ni Carl ang kaukulang TF.

Samantala, nagbigay naman ng statement ang pamunuan ng It’s Showtime tungkol sa isyu. “May unclaimed TF siya, yes, pero ito ay dahil ang resibo niya ay nasa kanya at gusto niya sila ang mag-claim. We offered for the longest time na magka-authorizat­ion na lang pero ayaw ng finance na kami so need ng kamag-anak. Nasa tito na ang authorizat­ion for the longest time pero ‘di niya maharap kunin. As of today, nakuha na ang pending TF sa cashier, all TV TFs na unclaimed since 2017.”

Dagdag pa rito, may mga pending pa na TF si Carl mula sa ilang mall shows dahil napaso (expired) na ang tseke dahil nga hindi niya kaagad nakuha ang mga ito.

 ??  ?? Carl
Carl

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines