Balita

Ika-14 na labas

- R.V. VILLANUEVA

KUNOT na kunot ngayon ang noo ni Nena. “Ano ang sinabi mo, Fermin? Ngayon mo lang nakita ang karatulang ito? Ikaw ang may sabing may karatula dito. Tapos, sasabihin mo ngayon... ngayon mo lang din nakita ‘yan? Ano ba talaga, Kuya?”

Matagal na wari ay nag-isip si Fermin bago nagsalita. “Totoo, may nakita akong karatula dito. Pero luma at halos ay mabura na ang pagkakasul­at sa kalawangin­g piraso ng yero. Saka hindi sa tulos na ‘yan kundi nakasampid sa bahagi ng sirang pader.”

Nag-isip din sandali si Nena bago nagsalita. “Baka naman naroon pa rin sa lugar na kinakitaan mo ang sinasabi mong karatula?”

“Hayan lang naman ang ,pinasukan natin at d’yan din sa pader na ‘yan nariyan ang sign. At wala na nga ang sign,” sabi ni Fermin.

“Baka may naglagay ng bagong sign,” ani Nena. “Yes, ganoon na nga. Wla ibang mangyayari kundi gano’n.”

“Malayo yata ‘yon. Kung may maglalagay ng bagong karatula, siguro kakausapin tayo. Tiyak na makikita naman niya o nila ang sasakyan natin dahil halos ay maharangan ng dyip natin ang mismong dinaanan natin.”

“Lalo sigurong imposible...”si Nena. “Kung bigla na lang tumubo d’yan ang karatulang ‘yan.”

Lakas ng tawa ni Fermin. “Ano naman kayang binhi ang dapat itanim para mamunga ng karatula.”

“Ang tiyak ko, walang ibang nakapunta dito habang nasa loob tayo n bakuran.” Nakalabas na sila sa mismong pinasukan nila. “Kung mayo’n, tiyak na makikita o mapapansin natin.” Si Fermin ang nagsasalit­a.

“Paano kung sinasadyan­g magtago para hindi natin mapansin,” sabi ni Nena.

“Bakit naman gagawin ‘yon? For sale nga, e. Bakit itatago?”

“Dalawang bagay. Ibig tayong lokohin o ibig takutin.”

“Bakit pa rin?Ano ang magiging motibo?”

“‘Di ba may mga tao rin na gumagawa ng isang bagay ng walang dahilan. Di ba may mga tao ngang basta makasira, masaya na. Di ba may mga taong basta sumikat lang at maitaguyod ang pangsarili­ng kapakanan, hindi na baleng makamatay ng mga inosente. Pinakamaga­ndang halimbawa ang mga taong lulong sa droga.”

“Pero higit sigurong masama ang nasa may kapangyari­hang ginagamit ang kanilang posisyon para lumaganap ang droga. Ang higit na nakakarima­rim ay ang mga lider relihiyong nagtatangg­ol sa mga pulitikong drug lord.”

Sakay na uli sila ng kanilang pribadong dyip. Matagal-tagal nang wala silang kibuan.

Si Neana ang sa malas ay medyo matindi ang pag-iisip. Hindi talaga kahraniwan ang tungkol sa karatula. Totoo ngakayang may multo, maligno, o kkung ano mang supernatur­al sa naturang lote?

Si Nena rin mismo ang kumontra sa kanyang iniisip. Malaking kalokohan ‘yung multo-multo. Wala nang ganyan sa kasalukuya­ng panahon.

Tulad ni Nena, si Fermin ay may modernong pagtingin din. Pareho sila ng paniwalang ang mga supernatur­al ay mgalikhang isip lamang ng mga may magulong imahinasyo­n.

Pareho man sila ni Fermin na hindi naniniwala sa mga supernatur­al being, may pagkakaiba pa rin sila. Siya, sa kabila ng paniniwala­ng wala ngang mga supernatur­al ay mahilig namang magbasa ng mga magasin o manood ng mga panooring may tipong horror. Ewan kung bakiy sobra yata ang interes niya sa mga ganoong libangan.

Sa kabilang dako, iba sa kanya si Fermin. Kung nanonood sila ng sine, tinutuluga­n lang ni Fermin ang pelikulang horror. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines