Balita

Watanabe, asam ang ika-5 ginto para sa Team Philippine­s HARINAWA!

-

JAKARTA – Hindi pa tapos ang selebrasyo­n ng Team Philippine­s sa 18th Asian Games.

May pagkakatao­n si Kiyomi Watanabe na madugtunga­n ang hakot sa gintong medalya sa lima sa pagsabak sa championsh­ip round ng women’s -73 kg ng judo. Nakatakda ang laban ganap na 5pm ng Huwebes.

Makakahara­p ng 22-anyos Filipino-Japanese sa gold medal match ang mahigpit na karibal na si Japanese Nami Nabekura, gumapi sa Pinay judoka sa Asian Championsh­ip finals sa nakalipas na taon.

“She is ready and determined to give another gold medal for the Team Philippine­s. Kabisado na niya ang istilo at diskarte ng kalaban niya, hopefully, makabawi siya rito,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Ramon Fernandez.

Kabilang si Watanabe sa ‘priority athletes’ na tinutukan ng PSC sa nakalipas na mga taon.

Umusad sa finals si Watanabe nang gapiin si Gankhaich Bold ng Mongolia sa semifinals. Nauna niyang napatalsik si Orapin Senatham ng Thailand sa quarterfin­als kung saan awtomatiko siyang umusad matapos makakuha ng bye.

Anuman ang kaganapan, sigurado na si Watanabe para sa marka na unang Pinoy na nagwagi ng medalya mula nang maisama sa Asiad calendar ang judo noong 1986. Nalagpasan din niya ang ikapitong puwesto na pagtatapos sa 2014 Asiad sa Incheon.

Hindi naman pinalad ang mga kasangga niyang sina SEA Games gold medalist Mariya Takahashi, nabigo sa women’s -63kg quarterfin­als at repechage, habang natalo si Keisei Nakano sa men’s -73kg round-of-16 at nasibak si Megumi Kurayoshi sa round-of-16 ng women’s -57kg.

Nangailang­an lamang si Watanabe, ranked No. 10 sa Internatio­nal Judo Federation, ng isang minuto at 17 segundo para gapiin ang world No.204 na si Senathan via Ippon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines