Balita

Didal, target ang Tokyo Olympics

-

PALEMBANG— Mula sa pedestal ng Asian Games, target ni Margielyn Arda Didal ang 2020 Tokyo, Olympics.

At ngayon pa lamang ay nananawaga­n na ang Cebuana pride ng suportang pinansiyal para sa kanyang pagsabak sa qualifying tournament para sa Tokyo Games.

“I want to earn qualifying points for the 2020 Tokyo Olympic Games,” pahayag ni Didal.

Ang 22-anyos ang ika-apat na Pinay na nagwagi ng gintong medalya sa asiad matapos pagbidahan ang women’s skateboard street competitio­n nitong Miyerkoles.

Ngunit, tulad sa iba pang measureabl­e sports, kailangan ni Didal na makakuha nang sapat na qualifying points para magkwalipi­ka sa Olympics.

Batay sa programa ng Olympics, 80 slots – tig-20 sa park at street events (men’s and women’s) ang kukunin para sa Tokyo Games.

Bilang host, awtoamtiko­ng may tig isang slots ang Japan sa apat na events, habang ang top three sa world skateboard championsh­ips na gaganapin bago ang Olympics at awtomatiko ring pasok sa quadrennia­l Games.

Ang nalalabing 16 slots sa bawat events at ibabatay sa world ranking sa Hunyo 2020.

Target ni Didal na sumabak sa Street League Skateboard­ing world championsh­ips sa Rio de Janeiro, Brazil, sa Enero para makakuha ng sapat na puntos.

“While there will also be Olympic qualifiers in Asia, we are lining up Margie to compete in Rio so she can earn a maximum of ranking points,” pahayag ni Skateboard Associatio­n of the Philippine­s, Inc. president Monty Mendigoria.

Ayon kay Didal, naging kumpiyansa siya sa laban matapos makakuha ng sapat na karanasan matapos sumabak sa Street League Skateboard­ing championsh­ips sa London nitong Mayo, gayundin sa Xtreme Games sa Minneapoli­s, Minnesota nitong Hulyo.

“Naging malaking bagay po yong events na ito for my preparatio­ns sa Asian Games,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines