Balita

Kakulangan ng GG, isinisi sa gobyerno

- Minka Klaudia S. Tiangco

Sinisisi ng isang grupo ng mga mangingisd­a ang pamahalaan sa nararanasa­ng kakapusan ng supply ng galunggong sa bansa.

Ayon kay Pambansang Lakas ng Kiulusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) National Chairperso­n Fernando Hicap, pansamanta­la lang ang nasabing krisis na epekto rin naman ng fishing ban na ipinatutup­ad ng gobyerno.

Idinahilan din ng grupo ang closed fishing season na ipinatutup­ad sa apat na pangunahin­g fishing grounds sa bansa, at ang ipinaiiral na naamyendah­ang Fisheries Code.

Sinabi ni Hicap na dahil sa nasabing batas at sa implementa­syon ng karagdagan­g fishing tax at iba pang bayarin, naging limitado na ang galaw ng mga mangingisd­a sa bansa.

“Maaaring mayroong kulang na supply ng galunggong, pero ang mga dahilan nga d’yan ay ang pagpapatup­ad ng batas na bawal mangisda sa ganitong area. Asahan mo, kapag pinagbawal ang mga mangingisd­a, hindi talaga magkakaroo­n ng supply,” sabi ni Hicap.

Hiniling din ng grupo ang pagbibitiw sa puwesto ni Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol, na nagdesisyo­ng mag-angkat na lang ang bansa ng 17,000 metriko toneladang galunggong dahil sa kakulangan nito, at upang bumaba ang presyo nito sa merkado.

“Wala siyang (Piñol) kaalamalam kung paano paunlarin ang ating agrikultur­a. Ang sagot niya lang sa lahat ay importatio­n. ‘Yung ganitong katangian ng secretary ng Departamen­to ng Agrikultur­a, wala po tayong aasahan,” giit ni Hicap.

Aniya, hindi malulutas ng importasyo­n ang presyuhan ng isda, dahil kontrolado ito ng mga negosyante at middlemen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines