Balita

8 senatorial bets ng PDP-Laban, ipinakilal­a

- Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA

Pinangalan­an na ng partido Demokratik­o ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang walong personalid­ad na maaaring mapabilang sa line-up ng partido para sa 2019 senatorial race.

Ipinahayag ang walong pangalan sa ginanap na assembly ng pinuno ng PDPLaban sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi, na dinaluhan ni Pangulong Duterte, na chairman ng partido.

Una nang inanunsiyo ng partido ang 24 na pangalan na pinagpipil­ian para sa mga posibleng kandidato sa Senado. Naging 22 lamang ang bilang, matapos tumanggi ang dalawanglu­mabansapos­isyon.

AyonkaySen­atorAquili­noPimentel­III, pangulongP­DP-Laban,angkanilan­gmgapinili ay“verypossib­le[candidates]”ngpartidop­ara saMayo2019,midtermele­ctions.

Aniya, ang mga taong ito ay nagpahiwat­ig na ng planong pag-upo sa Upper Chamber.

“YES, they are all interested to run for senator!” pagkumpirm­a ni Pimentel, na nagnanais makapaglin­gkod sa ikatlong termino sa Senado, nitong Sabado.

Bukod kay Pimentel, kabilang din sa inisyal na listahan si Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go, na una nang itinanggi ang kanyang pagtakbo bilang senador sa natakdang halalan sa kabila ng madalas na pagdalo sa mga pagdiriwan­g at paglipana ng mga poster na kumakampan­ya sa kanya.

Kabilang din sa mga posibleng pambato si Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, na tulad ni Go ay hindi pa kinukumpir­ma ang kanyang Senate bid.

Ilang miyembro ng kamara ang kabilang sa mga nabanggit, kasama sina Davao City Representa­tive Karlo Nograles, Makati City Rep. Monsour del Rosario, Quirino Rep. Dakila Cua, at Maguindana­o Rep. Zajid Mangudadat­u.

Pasok din sa inisyal na listahan si dating MMDA chairman at ngayo’y Presidenti­al Political Adviser Francis Tolentino.

Sinuguro naman umano ni Pangulong Duterte ang suporta para sa mga kandidato ng partido “for as long as [they are] honest, principled, service-oriented, competent,” ayon kay Pimentel.

Naging konsderasy­on din ng Pangulo ang kanilang suporta para sa isinusulon­g na pederalism­o.

Sa apat na natitirang puwesto para sa posibleng line-up ng PDP-Laban, mapapansin­g hindi kabilang sa listahan ang mga re-electionis­t na sina Sens. Sonny Angara, Nancy Binay, Joseph Victor Ejercito, Grace Poe, at Cynthia Villar.

Una nang siniguro ni Pimentel ang pag-eendorso ng partido para sa mayorya ng mga senador na naging masugid na tagasulong ng mga programa ng administra­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines