Balita

Dalawang snatcher dinakma

- Ria Fernandez

Dalawang lalaki ang nakuhanan ng camera sa aktong tangkang kinukuha ang kita ng isang jeepney driver sa Taft Avenue sa Ermita, Maynila, nitong Huwebes ng umaga.

Sa video footage na kuha ni Denmark Bernardo, mapapanood ang isang adult at isang menor de edad na umaakyat sa jeep na may biyaheng Baclaran papuntang Quiapo at viceversa habang nakahinto sa P. Burgos Street o Lagusnilad nitong Agosto 30, sa ganap na 10:00 ng umaga.

Ang isa sa mga suspek, si Roel Martinez, 20, na nakasuot ng itim na t-shirt, ay dahan-dahang umakyat sa gilid ng passenger seat.

Makalipas ang ilang sandali, ang kanyang kasabwat, 14, na nakasuot ng berdeng t-shirt, ay sumunod at agad na kinuha ang lalagyan ng mga barya sa dashboard ng jeep.

Gayunman, hindi nagtagumpa­y ang mga suspek na matangay ang pera dahil natapon ang barya habang sila ay tumatakbo.

Ang sumunod na video na nakunan ay ang isang lalaki na mahigpit ang pagkakahaw­ak kay Martinez habang inilalapit sa biktima.

Makalipas ang ilang minutong pagbatak, nakatakas si Martinez at nahubaran ng pang-itaas na damit.

Natunton naman ng Ermita Police ang menor de edad na suspek, na resident eng Happy Land, Tondo, dakong 7:00 ng gabi noong araw ding iyon. Siya ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Developmen­t.

Samantala, naaresto ng awtoridad si Martinez, na walang damit pangitaas, sa Lagusnilad, sa ganap na 9:40 ng umaga kahapon.

Isang pakete ng marijuana ang narekober sa suspek.

Ikinulong si Martinez, nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Ordinance 819 banning half-naked in public at RA 9165 o (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines