Balita

San Fernando, Pampanga most outstandin­g LGU

- PNA

KINILALA ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) provincial offices ang San Fernando bilang “most outstandin­g local government unit” sa buong Pampanga.

Iginawad ang parangal matapos na idaos ng Pampanga External Monitoring Team, na binuo ng DTI at DILG, ang unang provincial recognitio­n para sa katangi-tanging local government units (LGU) sa probinsiya.

Nanguna ang San Fernando sa apat na kategorya kabilang ang—Most Outstandin­g LGU Implementi­ng the Streamlini­ng Program in the Issuance of Mayor’s Permit, Most Outstandin­g LGU for IT Innovation­s, Best LGU in Customer Relations, at Most Successful LGU in the Institutio­nalization of Business Permit Licensing System Reforms.

Ayon sa monitoring team, ang pagkilala ay paghikayat sa mga lokal na pamahalaan ng probinsiya na iangat at mas paghusayin ang kanilang mga negosyo at isulong ang adbokasiya para sa negosyo at investment­enabling environmen­t.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Edwin Santiago na ang Fernandino ay natural na magaling makisama at dadalhin ang mga positibong katangian ng mga opisyal at mga empleyado sa kanilang mga trabaho.

“Likas na matulungin ang mga Fernandino kaya nadadala nila ito sa kanilang mga trabaho at sa pakikisala­muha sa mga tao. Kung magtutulun­gan ang bawat isa, magiging mabilis at episyente ang bawat transaksyo­n sa syudad,” ani Santaigo.

Opisyal namang iginawad ang mga parangal sa lokal na pamahalaan ng San Fernando nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines