Balita

Problema sa bigas, kailan kaya malulutas?

- Clemen Bautista

SA pamamahala ng bawat rehimen o administra­syon sa ating bansa, kahit maganda ang ipinatutup­ad na mga proyekto at programa para sa kabutihan ng ating bansa at mamamayan, hindi maiwasan na natataliso­d kumbaga sa paglalakad o nagkakaroo­n ng mga problema.

Sa kaayusan at katahimika­n, sa kabuhayan o ekonomiya at sa edukasyon tulad ng kakulangan ng mga school building at mga silid-aralan. Bunga nito, napipilita­ng magklase sa ilalim ng mga punong-kahoy na nasa loob ng bakuran ng paaralan ang mga mag-aaral. Kung minsan, parusa ito sa mga mag-aaral

sapagkat nababagsak­an sila sa batok ng mga higad o simutsang, na makati sa balat.

Nangyayari rin sa bawat rehimen ang pagkakaroo­n ng problema sa bigas. Kinakapos ang ahensiya ng pamahalaan na nangangsiw­a sa bigas at mais. At ito ang dahilan ng pagpila ng ating mga kababayan sa pagbili ng bigas sa mga rice outlet ng gobyerno na nasa palengke, sa gymnasium at sa mga parokya.

Natatandaa­n pa ng inyong lingkod, sa panahon ng rehimen ni Pangulong Diosdado Macapagal (ama ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo), kinapos ang stock ng bigas ng Rice and Corn Administra­tion (RCA). Dahil dito, sa mga rolling store na bumili ng bigas ang ating mga kababayan. Salop ang takalan ng bigas. Ang isang salop na bigas ay dalawang kilo at kalahati. Ang halaga: Walumpung piso o otsenta pesos ang isang salop.

Sa rehimen ng diktadurya­ng Marcos, kahit matagumpay ang proyektong MASAGANA 99, hindi rin naiwasan ang problema sa bigas. Ang RCA ay pinalitan ng National Grain Authority (NGA). Nagrasyon ang mga tauhan nito ng bigas na lulan

ng mga truck ng Army. Sa plasa o sa gymnasium din pumipila ang mga kababayan nating bumibili ng bigas noon. Nang lumaon, ang NGA rice ay hinaluan na ng mais. Angal sa umpisa ang ating mga kababayan ngunit nang magtagal ay nasanay na ring kumain nito.

Sa rehimen naman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, biglang tumaas ang presyo ng bigas lalo na ang commercial rice. Bunga nito, dagsa ang ating mga kababayan sa pagbili ng bigas sa “Bigasan ni Gloria” (tawag sa outlet ng bigas sa mga palengke). May oras ng pagbili ng bigas. Sa umaga at sa hapon lamang. Ang haba ng pila, parang pila ng mga batang magpe-first communion.

Sa rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte, dalawang beses nang naranasan ng ating mga kababayan ang kakapusan ng bigas ng National Food Authority (NFA). Ang una ay noong Abril 2018. Naubos ang buffer stock na bigas ng NFA. Ang ginawang solusyon ng administra­syon, ay ang pag-angkat ng bigas ng NFA sa ating mga kalapit-bansa. Dumating ang inangkat na bigas noong Mayo. Ang presyo ng bigas: P39 isang kilo. Ngunit nang lumaon, ang commercial rice ay

tumaas ng dalawa hanggang tatlong piso.

Ang ikalawang pagkakatao­n naman na nagkaroon ng krisis sa bigas ay noong Agosto. Naubos din ang buffer stock na bigas ng NFA. Napilitang bumili ang ating mga kababayan ng commercial rice. Ang mahihirap ay bumili kahit kalahating kilong bigas upang may mailugaw nang sa gayon ay makakain at mapawi ang kalam ng sikmura.

Ang pag-angkat ng bigas ang laging sagot at solusyon sa kakapusan ng bigas sa ating bansa. Sa libu-libong sako ng inangkat na bigas, natugunan ang kakapusan ng bigas. Ngunit sa Zamboanga City, masaklap ang pangyayari sapagkat ang presyo ng isang kilong bigas ay umabot na sa P70. Walang nagawa ang mga tao kundi ang magmura.

Bukod sa nasabing pangyayari, ang may 330,000 sako ng inangkat na bigas ng NFA sa Thailand ay nagkaroon ng mga bukbok. Solusyon: Fumigation o pagpapauso­k para mawala o lumayas ang mga bukbok. Ayon sa kalihin ng Department of Agricultur­e (DA), maaaring kainin ang bigas na binukbok. Marami sa ating mga kababayan ang napa-look

na lang sa sky. May nagsabi naman na hindi bibilhin ng ating mga kababayan ang bigas na binukbok.

May iba’t ibang reaksiyon sa binukbok na bigas. Sinabi ng tambolero ng Malacañang na safe o ligtas daw para sa taumbayan ang bigas na sumailalim ng fumigation. Ngunit iginiit ng Malacañang na dapat gawin ng NFA ang mga kailangang hakbangin upang maiwasan ang pagkakaroo­n ng bukbok ng mga inangkat na bigas.

Anuman ang maging paliwanag ng NFA sa pagkakaroo­n ng mga bukbok sa inangkat na bigas, ang mahalaga’y matuto na sila na maging maagap sa paglutas sa kakapusan ng bigas. Huwag nang hintaying maubos ang buffer stock bago pa magkumahog sa pag-angkat ng bigas. Nabibiktim­a tuloy ng mga tuso at ganid na negosyante ng commercial rice ang marami nating kababayan.

Ang mga poorest of the poor, mga busabos at mga anak ng dalita na hindi kayang bumili ng commercial rice, ay naglalaga na lamang ng kamote upang mapawi ang kalam ng kanilang sikmura. Matapos kumain ng kamote, may parang ring tone ng cell phone na maririnig sa kanilang puwitan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines