Balita

Toppel Lee, positibong papatok ang tambalan nina Ritz at Pepe

- Ni DINDO M. BALARES

NALILINYA sa horror si Toppel Lee kaya thankful siya na binibigyan siya ng Regal Entertainm­ent ng romanticco­medy.

Siya ang direktor nina Ritz Azul at Pepe Herrera sa The Hopeful Romantic. Sa Regal din niya ginawa ang unang romcom niyang My Kuya’s Wedding na pinagbidah­an nina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna at Maja Salvador.

“Nakakatuwa sina Mother Lily ( Monteverde) at Ms.

Roselle (Monteverde-Teo) kasi binibigyan din nila ng break ang ibang artista,” sabi ni Direk Toppel nang makausap namin sa media launch ng Hopeful

Romantic. “Dito bago ang combinatio­n nina Ritz at Pepe.”

Gagampanan ni Ritz si Veronica, ang sosyal at liberated girl na mahilig sa rich boys na napeke ni Jess (Pepe).

Ito ang unang leading man assignment ni Pepe, gumaganap na valet attendant sa five-star hotel na na-in love kay Veronica.

Napapangit­ing kuwento ni Ritz, “We have a bed scene. When we were shooting it, si Pepe ang nerbiyos na nerbiyos; nangingini­g ang mga kamay niya so I told him to relax kasi Direk Topel will help us. Ako kasi, I’ve done romantic scenes na with Derek Ramsay,

Paulo Avelino and Ejay Falcon on TV.”

Nagkatraba­ho na sila ni Pepe sa Ang Probinsiya­no kaya medyo kampante na sila sa isa’t isa. Sa September 12 ang playdate ng

The Hopeful Romantic at umaasa si Toppel na magugustuh­an ito ng moviegoers.

“Parehong nagkukunwa­ri ang character nina Ritz at Pepe,” kuwento ni Direk, “kaya marami kaming nakakatuwa­ng mga eksena. Iniwasan ko ang mga lumang eksena kaya maraming bagong mapapanood.”

Positive si Direk Toppel sa local movie industry. Naghahanap siya ng magagandan­g script.

Nag-uunahan sa paghahanap ng contents ang maraming channel pati na online entertainm­ent sites. Andaming naghahanap sa akin ng script na puwedeng gawin. Kaya ngayon kung may P3M ka, puwede kang magprodyus at siguradong may bibili ng pelikula mo.”

 ??  ?? Pepe, Direk Toppel, at Ritz
Pepe, Direk Toppel, at Ritz

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines