Balita

‘Halik,’ nagkamit ng all-time high national TV rating

-

PARAMI nang parami ang mga tumututok sa maiinit na eksena sa Halik

kaya naman nagkamit ito ng all-time high national TV rating noong Biyernes (Agosto 24) sa episode kung saan kinumpront­a nina Lino (Jericho Rosales) at Jacky (Yen Santos) ang kani-kanilang mga asawa tungkol sa mga problema nila.

Paakyat nang paakyat ang ratings ng Halik

mula nang mag-premiere ito noong Agosto 13. Sa ikalawang linggo nga nito ay umabot na sa 20.7% ang rating, mas mataas sa 12.9% ng katapat nitong Inday Will Always Love You, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa nasabing episode, pinagtakpa­n ni Ace (Sam Milby) ang kanyang naging relasyon sa sekretarya ni Jacky. Dito rin nagulo ang mga plano para sa pagbukod nina Lino at Jade (Yam Concepcion) dahil gustong isama ni Lino ang kanyang pamilya.

Naging usap-usapan din sa Twitter ang naging hashtag ng episode na #PalusotNaH­alik na napabilang sa trending topics noong araw na iyon. Umani ito ng libu-libong tweets kung saan ipinadama ng netizens ang kanilang pagka-relate sa mga kaganapan sa serye.

Para kay @jhegequill­o, si Jade ang dapat mag-adjust, “Hindi namn agad agad makakabuko­d ka Jade kailangan mong alalahanin mahirap lg kayo it takes time ano ba #PalusotNaH­alik,” aniya.

Team Jade naman sa usapan si @_yssarmina, “At some point, naiintindi­han ko naman si Jade kung bakit gusto nya bumukod, bakit naman kasi lahat sila asa kay lino. #PalusotNaH­alik.”

Simula pa lang ito ng mga magiging pagsubok sa pagsasama nina Lino at Jade lalo na’t eeksena na si Ace sa pagitan nilang dalawa.

Huwag palampasin ang mga maiinit na eksena sa pinakamapu­sok na teleserye sa telebisyon. Panoorin ang Halik gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Ngayon at Kailanman.

 ??  ?? Jericho
Jericho

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines