Ika-16 na labas
HINDI lang simpleng gulat ang naramdaman ni Nena. Ngayon, may kakambal nang kaba ang gulat niya. Paanong hindi magkakaganoon? Nakatigil ang dyip nila sa mismong tapat ul ng loteng pinanggalingan nila. Ang loteng nakatakda nilang bilhin.
“Tama ako,” sinasabi ni Fermin. “Kung hindi natin diniretso ang kalsada, mabubuo na sa isip natin na may kung anong hiwga ang lugar na ito.”
Ibig sana niya itanong:Di ba nga malaking hiwaga ‘yong diniretso natin ang daan ay nabalik tayo dito sa pinagmulan natin?
Nahulaan yata ni Fermin ang tanong niya sa isip, sabi uli ng asawa niya: “Tiyak na ang kalsadang iyon ay nakapaikot ang sa lugar na ito kaya nabalik tayo sa ating pinanggalingan.”
Ibig uli niyang tanong: Sa pagkatanda ko kanina nang papunta tayo dito, diretso naman ang kalsadang dinaanan natin. At nang bumalik tayo, diretso rin lang at wala tayong nilikuan. Pero hindi naman niya itinanong ang gusto niyang itanong.
Aywan kung bakit naiisip ni Nena: Naaapektuhan na nga yata ako ng hilig ko sa pagbabasa ng mga horrot stories. Bakit ba medyo kinakabahan na siya.
Walang kibo, bumaba ng dyip si Fermin. Wala ring kibo, bumaba rin siya. Pumasok si Fermin sa loob ng bakuran. Ibig sana niyang itanong: Bakit na naman tayo pumasok? Pero hindi siya nagtanong. Sa halip, sumunod siya kay Fermin.
Bigla, may naramdaman siyang pambihirang lamig. Bakit mas matindi ang lamig sa loob ng bakuran kaysa sa labas? Ganoon din kaya ang nararamdaman ni Fermin? Ibig na naman niyang magtanong pero hindi naman nita itinanong. Bakit parang may pumipigil sa kanyang magsalita?
Patungo sila sa bahay na kanina ay pinuntahan na nila. At huminto sila sa distansiyang hindi na sila masyadong malayo sa buhay. Bakit parang naiba ang bahay? Parang hindi ito ang bahay na kanina ay napuntahan na nila?
Kanina, parang mas luma ay mas malaki ang mga kasiraan kaysa sa bahay na kaharap nila ngayon. Hindi na naman siya kumibo kahit sa ngayon ay kayrami na niyang gustong itanong kay Fermin.
Nakatitig ngayon si Nena sa bintanang dilantera o ang pangharap na bintana ng bahay na siyang pinakamaluwang sa mga bintana ng bahay. Ang bintana ay kapis sa halip na salamin. Ganoon din ba ang bintana nang iyon nang makita nila kanina? Hindi naman bukas nang todo ang mga bintana. Isa lang pohas niyon ang bukas nang todo ang mga bintana.
Isa lang pohas niyon ang bukas at sarado ang iba pa.
Napatili ng impit si Nena. Ngayon lang siya nagka-boses. “Bakit?” tanong ni Fermin. “Nagulat lang ako,” Patag naman ang boses ni Nena. “May tao pala sa bahay.” Gusto niyang idugtong na hindi na naman niya sinabi: Di ba kanina, daling tayo dito, wala namang tao? “Oa’no magkakatao dito?” “Nakita kong dumungaw.” “Hindi kaya namamalikmata ka lang, Love? Nakatingin din naman ako sa bintana, wala akong nakitang tao.”
“Sandali lang siyang dumungaw, Fermin. Umalis din kaagad. Babae siya, Fermin.”
Hinawakan siya ni Fermin sa isang kamay. “Halika...”
“Saan?” Kunot-noo siyang tumingin sa mister niya.
“Kung may tao... kausapin natin.”
May tanong sa isip ni Nena: Di ba kanina, wala namang tao? Sarili rin niya ang sumagot: Siguro, kanina ng umalis sila, dumating ang taong ‘yon. Sino kaya ‘yon?
Itutuloy...