Balita

Hirit ni Ladon!

-

JAKARTA— Tanging si Rogen Ladon sa tatlong Pinoy fighter ang nakasikwat ng tsansa para makapag-uwi ng gintong medalya sa boxing competitio­n ng 18th Asian Games.

Nalusutan ni Ladon ang karibal na si Yuttapong Tongdee, 5-0, para makausad sa men’s flyweight final, habang nabigo sina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial para masiguro ang dalawan bronze medal sa sports.

Kung makakalulu­sot, si Ladon ang unang lalaking atleta ng 270-men RP delegation na magwawagi ng gintong medalya kasunod nina weightlift­er Hidilyn Diaz, skateboard­er Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdangana­n at Lois Kaye Go.

Natalo si Paalam via split decision, 2-3, kontra Amitng India sa light flyweight semifinal.

Matikas ding nakihamok si Marcial, ngunit naungusan ni Uzbek Israel Madrimov via split decision, 3-2.

Haharapin ni Ladon, Rio de Janeiro Olympian, sa finals si Jasurbek Latipov, 4-1 winner kontra Kyrgystan’s Azat Uzenaliev sa Jakarta Internatio­nal Expo Boxing Hall.

Kabilang si Latipov sa seven-of-seven boxers ng Uzbekistan na sasabak sa championsh­ip match sa event na pinanganga­siwaan ng Internatio­nal Boxing Associatio­n of AIBA, sa pamumuno ni interim president Gafur Rahimov, na isang Uzbek.

Nakatakda ang laban ni Ladon ganap na 2:15 p.m. (3:15 p.m. Manila) sa Sabado.

“Sinunod ko lang yung sinabi nila coach. Isang laban na lang, itotodo ko na ito,” ayon kay Ladon.

Kontento, ngunit naghihinag­pis si Paalam sa nagging resulta ng kanyang kampanya.

“Binigay ko na lahat, pero binigay ng mga judges sa India,” pahayag ni Paalam. “Wala akong magagawa, wala akong control sa mga judges.”

Kapwa nagbigay ang Chinese judge na si Guo Zhang at Japanese Katsunori Hanabusa eng 29-28 para kay Paalam, habang umiskor si Uzbekistan’s Bekjon Yusupov (29-28) at Algeria’s Athmane Lazizi (29-28), habang ibinigay ng with Indonesian na si Hermanto Ginting Bagusmunth­e ang 30-27 pabor sa Indian.

Humingi naman ng paumanhin si Marcial sa kanyan kabiguan.

“Syempre masakit, kasi ang daming mga supporters na nagsu-support na manalo ako,” aniya. “Pasensya na kung hanggang doon lang nakaya ko, siguro may plan pa si God, sabi nga nila sa ating pagkatalo, doon tayo natututo.”

“Bawi na lang next time,” aniya.

 ?? PSC PHOTO ?? NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Rogen Ladon ng Philippine­s nang itaas ng referee ang kanyang kamay hudyat ng pananaig kontra kay Yuttapong Tongdee ng Thailand sa semifinals ng men’s flyweight class ng boxing competitio­n sa 18th Asian Games sa Jakarta Internatio­nal Expo.
PSC PHOTO NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Rogen Ladon ng Philippine­s nang itaas ng referee ang kanyang kamay hudyat ng pananaig kontra kay Yuttapong Tongdee ng Thailand sa semifinals ng men’s flyweight class ng boxing competitio­n sa 18th Asian Games sa Jakarta Internatio­nal Expo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines