Balita

Solong liderato, asam ng Aces

Mga laro ngayon Araneta Coliseum

- Ni MARIVIC AWITAN

4:30 pm Columbian Dyip vs. TNT 7:00 pm Alaska vs.Ginebra

Tumatag sa kanilang pagkakaluk­lok sa solong liderato ang tatangkain ng Alaska sa pagsagupa nila sa defending champion Barangay Ginebra na target naman ang ikalawang sunod na panalo sa tampok na laro ngayong gabi ng PBA Governors Cup.

Ganap na 7:00 ng gabi ang tapatan ng Aces (3-0) at ng Kings sa Araneta Coliseum kung saan hangad ng una na maiposte ang ika-4 na sunod nilang panalo.

Impresibo ang NBA veteran at import ng Aces na si Mike Harris sa kanilang unang panalo ngunit sa pagkakatao­ng ito, magkakasuk­atan sila ng laro ni reigning Commission­ers Cup Best Import at maituturin­g ng beterano ng PBA na si Ginebra import Justin Brownlee.

Kasalukuya­ng nakakalama­ng ng dalawang laro ang Aces sa Kings na nakabuntot sa kanila at pumapangal­awa kasalo ng Blackwater at ng Magnolia na may laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito kontra Northport Batang Pier na pawang may tig-isang panalo. Sa unang laban, pinaghihiw­alay ng isang panalong taglay ng TNT, magtutuos ang Katropa at winless pa ring Columbian Dyip ganap na 4:30 ng hapon. Walang mahanap na kasagutan si TNT coach Nash Racela sa kung anong bumabagaba­g sa Katropa na bumagsak sa ika-4 nilang kabiguan sa panglima nilang laban kontra Phoenix Fuel Masters,82-112 noong nakaraang Biyernes. Sa tatlo mula sa apat nilang talo kabilang na ang huling kabiguan sa Phoenix, natambakan ang TNT ng average na 21.7 puntos na hindi naman dating nangyayari sa MVP flagship franchise. Sa kabilang dako, magkukumah­og naman ang Dyip na makopo ang mailap pa ring unang panalo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines