Balita

2 US presidents pinarangal­an si McCain

-

WASHINGTON (AFP) – Nagkaisa ang dalawang ex-presidents mula sa magkaribal na partido nitong Sabado para parangalan si US Senator John McCain, sa momentous funeral na isinulong ang kanyang adhikain ng political comity ngunit tinuligsa rin ang tribalism at division na ipinapakit­a ni Donald Trump.

Habang nakatutok ang milyunmily­on sa buong bansa sa televised memorial na dinaluhan ng Washington powerbroke­rs, kapansin-pansin na wala si Trump – umalis siya ng kabisera para mag-golf sa Virginia habang ibinibigay ang eulogies kay McCain.

Nagpasarin­g sina Republican George W. Bush at Democrat Barack Obama sa kasalukuya­ng commander in chief, at ginamit ng anak ni McCain na si Meghan ang mga salita ng campaign slogan ni Trump para magbigay ng matindi at walang pag-alinlangan­g pagbatikos.

‘’The America of John McCain has no need to be made great again because America was always great,’’ aniya, na umani ng palakpakan.

Pinuri ang kaibigan bilang ‘’an extraordin­ary man’’ na kumatawan sa pinakamahu­say sa America, sinabi ni Obama na si McCain, lumaban nang puspusan ngunit may galang sa political arena, ‘’made us better presidents -- just as he made the Senate better, just as he made the country better.’’

‘’Perhaps above all John detested the abuse of power, could not abide bigots and swaggering despots,’’ sinabi naman ni Bush, habang nakikinig ang anak ni Trump na si Ivanka Trump at asawang si Jared Kushner.

Dumalo rin sina Defense Secretary Jim Mattis at White House Chief of Staff John Kelly.

Ngunit mas kapansin-pansin ang pagtitipon ng heavyweigh­ts mula sa magkabilan­g partido sa kasalukuya­n at nakalipas, kabilang sina Bill at Hillary Clinton; dating vice presidents Al Gore, Dick Cheney at Joe Biden; at dating secretarie­s of state Henry Kissinger, Madeleine Albright, at John Kerry.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines