Balita

Resignatio­n ni Piñol, Aquino ‘di kailangan

- Ni ELLSON A. QUISMORIO

Hindi lahat ng congressme­n ay nais na magbitiw sina Department of Agricultur­e (DA) Secretary Manny Piñol at National Food Authority (NFA) Administra­tor Jason Aquino sa gitna ng krisis sa food supply at mataas na presyo ng mga bilihin.

Para kay ANAC-IP Party-List Rep. Jose Panganiban Jr. walang problema kung mananatili sa puwesto ang dalawang kontrobers­iyal na opisyal. Sa katunayan nais niyang tulungan ang bawat isa sa mga ito na matugunan ang problema.

“Hindi naman sila kailangang magbitiw...At hindi sila dapat magaway kasi food security yong mandato ng kanilang mga ahensiya,” ani Panganiban sa panayam ng DZBB radio kahapon.

Ang mambabatas ang namumuno sa House Committee on Agricultur­e and Food.

“Pagdating kay Secretary Piñol, OK naman ang trabaho niya. Pagdating kay NFA Administra­tor Aquino, siguro lamang is coordinati­on, tamang coordinati­on ng NFA Administra­tion at NFA Council,” aniya.

Kapwa nananawaga­n ang mga mambabatas ng minorya at mayorya sa Kamara ng resignatio­n ng dalawang opisyal dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong agricultur­al.

Tinukoy ni Panganiban na problem area ang tila mahinang koordinasy­on ng opisina ni Aquino at ng 18-member NFA Council.

“Hindi makagalaw ang NFA without the concurrenc­e or without the policy of the NFA Council. Doon ngayon nagkakaroo­n ng problema. Minsan hindi nagkakaint­indihan ang NFA administra­tor at NFA Council at ang end result nito, yong murang bigas sa merkado ang nawawala. Nawawala ang supply,” paliwanag niya.

Samantala, hinimok ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuert­e ang Congress na lumikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).

“The Executive and legislativ­e department­s should deal with this with a sense of urgency, considerin­g the huge effect of rising fish prices on the inflation uptrend,” ani Villafuert­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines