Balita

Local Price Coordinati­ng Councils pinakikilo­s

- Chito Chavez

Iginiit ni Interior and Local Government officer-in-charge (OIC) Eduardo M. Año ang agarang reactivati­on ng Local Price Coordinati­ng Councils (LPCCs) sa gitna ng pananamant­ala ng ilang grupo na nagpapataw ng napakataas na presyo sa mga pangunahin­g bilihin.

Sa paghihirap ng milyun-milyong mamamayan sa tumataas na inflation rate sa bansa, inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang batas at palakasin ang consumer rights para protektaan sila laban sa mga tiwaling negosyante.

Naglabas siya ng direktiba matapos matanggap ang ulat mula sa regional at field offices sa diumano’y pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ilang local government units (LGUs) lalo na pagkatapos ng mga bagyo nitong mga nakaraang linggo.

Pinanindig­an ni Año na dapat magsagawa ang LPCCs ng regular inspection sa mga pampubliko at pribadong pamilihan, tugunan ang mga iniulat na pananamant­ala ang mga lokal na negosyante at bigyan ng kapangyari­han ang mga opisyal ng barangay at nongovernm­ent organizati­ons (NGOs) na i-monitor ang abnormal na pagtaas ng mga bilihin.

Hiniling din niya sa LPCCs na magsagawa ng malalimang analysis sa sanhi ng pagtaas ng mga presyo, magsuhesti­yon ng mga hakbang para maitama ang unwarrante­d price increases at kakulangan ng mga supply, at magrekomen­da ng suggested retail prices sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“Our LGUs, barangays and the DILG regional and field offices should make active coordinati­on with agencies like the Department of Trade and Industry (DTI) and the Department of Agricultur­e (DA) to thwart unnecessar­y price adjustment­s and hoarding of primary goods like rice,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines