Balita

‘Ngayon at Kailanman’, ‘di mabitiwan ng viewers

- Reggee Bonoan

DALAWANG linggo nang namamayagp­ag sa ratings game ang Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia, Jameson Blake at Julia Barretto dahil kinapitan na kaagad ito ng televiewer­s lalo na’t isang babae lang pala ang natitipuha­n ng dalawang bidang lalaki.

Hindi matanggap ni Jameson na gusto niya talaga si Julia o natsa-challenge siya sa pagiging mailap nito sa kanya kaya inalok niya ng malaking halaga ang dalaga para magpanggap na kasintahan kanyang kasintahan, para makaiwas sa babaeng hindi niya gusto, si Maxene.

Ginamit naman ni Julia ang halaga sa operasyon ng tatay niyang si Dominic Ochoa.

Samantala, ang nawalang bag ni Julia sa LRT na naglalaman ng mga disensyo niyang kuwintas, bracelet at hikaw ay nakuha naman ni Joshua na naiwan sa kotse ng nanay niyang si Alice Dixson. Nakita ito ni Alice at nagka-interes siyang ipagaya ang mga ito.

Sa madaling salita, ninakaw ni Alice ang mga bagong disenyo ng alahas ni Julia, na ilo-launch niya sa kanyang collection­s of jewelries.

Sa isang pagtitipon ay isasama ni Jameson si Julia sa bahay nila at ipakikilal­a sa mommy niyang si Alice, na ikagugulat naman ni Joshua dahil ang babaeng nasa isipan niya ay kasama na ng kuya niya.

Bitin ang episode nitong Biyernes kaya kaabang-abang ngayong gabi, Lunes, ang unang paghaharap nina Alice at Julia at ano ang magiging reaksyon ng huli kapag nakita niya na ang mga disenyong alahas, na nasa kamay ng nanay ng kanyang kunwaring kasintahan.

Kung ia-analisa ay dalawang beses nang ninakawan ni Alice si Julia, una ang karapatan nitong maging solong tagapagman­a ng mga Cortes, dahil ang ama niyang si TJ Trinidad ang siyang legal na anak dahil ang ama nina Joshua at Jameson na si Christian Vasquez ay adopted son ng nasirang Dante Rivero at itong mga disenyo niya para gawing alahas.

Maging sa ibang bansa ay pinaguusap­an na ang Ngayon at Kailanman. Tinanong kami kung sino ang babaeng nagdidilig ng mga halaman na kapitbahay ni Christian sa probinsya, si Iza Calzado raw ba ito at nakabalik na ba siya?

Pag nagkataon, magkakaroo­n ng relasyon sina Christian at Iza, ang ang tunay na ina ni Julia. Kaya abangan ang NaK sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines