Balita

Team Nouri, kampeon sa Rapid chess

-

NAGPAKITAN­G gilas ang Team Nouri’s Ticketing Service matapos magkampeon sa Dalawahan Rapid chess tournament 2000 and below kamakailan na ginanap sa Jasmeen Foodville sa Caloocan City.

Kung saan sina Fide Master Alekhine Nouri at Paul John Lauron ang pambato ay nakopo ng Team Nouri’s Ticketing Service ang titulo sa paglikom ng 11 game points output sa event na inorganisa ng Novelty Chess Club of Calooca.

Sa katunayan ang Team Quantum Zero na nirendahan naman nina John Michael Silvederio at Michael Renz Canonoy ay nakapagtal­a din ng similar 11 games points marker subalit nagkasya sa second place dahil sa mababa ang tie break points.

Sa seventh at final round ay namayani ang Team Nouri’s Ticketing service kontra Team Turreda, 1.5-0.5, para maiuwi ang top prize P8,000 plus elegant trophy.

Nakipaghat­ian ng puntos si FM Alekhine kontra kay Jhulo Goloran sa kanilang top board encounter habang angat naman si Paul John Lauron kontra kay Randy Turreda sa kanilang lower board skirmish.

Si FM Alekhine ang top player ng multi-titled GM Jayson Gonzales Far Eastern University chess team ang hinirang na individual Board 1 gold medallist na may undefeated score six points mula five wins at two draws sa seven outings.

Sa isang banda ay nanalo ang Team Quantum Zero kontra sa Team Ron Matehek, 2-0, kung saan tinalo ni John Michael si Recarte Tiauson sa Board 1 habang pinadapa naman ni Canonoy si Don Hamilton Arias sa Board 2.

Ang Team Pugo Licious na sinelyuhan naman nina Reggie Mel Santiago at Mark Louie Velasco cay binasura ang Team Yabut Realty nina Stephen Manzanero at Mark Anthony Yabut, 2-0.

Naisukbit ng Team Pugo Licious ang third over-all na may 10.5 games points tungo sa pagbulsa sa P2,000.

Tumapos naman ang Team Jack en Poy (Joven Balsalubre at Jennie Sanglitan) at Team Mamamuh (Noel Geronimo at Von Steven Aquino) ng fourth hanggang fifth placers matapos makaipon ng tig 10 games points at makatangap ng tig P1,000 sa kanilang efforts.

Ang Tournament Director ay si Mr. Juancho Caunte habang ang Chief Arbiter ay si FNA Noel Morales na ang assistant ay si NCA Tony Laureano sa twenty minutes plus three seconds delay time control format na nilahukan ng 46 teams sa National Chess Federation of the Philippine­s sanctioned tournament.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines