Balita

Chicano at Huelgas, angat sa SEAG rivals

-

PALEMBANG— Pinatunaya­n nina John Chicano at Niko Huelgas ang pagiging top male triathlete­s sa Southeast Asia matapos ang matikas na ika-10 at ika-16 na pagtatapos sa men’s triathlon ng 18th Asian Games nitong Sabado sa Jakabaring Sport City Shooting Range.

Laban sa matitikas na karibal sa rehiyon, umarya si Chicano, silver medalist sa 2017 Malaysia Southeast Asian Games, sa kabuuang isang oras, 54 minuto at 33 segundo sa 1.80-km swim/20km bike/10-km run race, sapat para malagpasan ang personal best na 1:56.00 na nagawa niya may dalawang taon na ang nakalilipa­s. Napantayan rin ni Chicano ang ikaa-10 puwesto na pagtatapos ni Jonard Sam (1:59.00) sa 2014 edition sa Incheon.

Nakatawid naman sa finish line si Huelgas, back-to-back golds sa 2015 Singapore at 2017 Malaysia SEA Games, sa tyempong 1:58.39, para malagpasan ang dating oras na 1:59.17 noong 2014 Incheon Games. Nabura niya ang dating oras na 1:59.30 sa SEAG sa Putra Jaya noong 2017.

Sa likod nina Chicano at Huelgas, ang matikas na Southeast Asian finisher ay si Malaysian Ryan sa No. 21 (2:04.20), habang ang nakahirit pa aay sina Adrian Yeo (2:05.31) sa No. 23 mula sa 34 kalahok.

Nakamit ni Japan’s Junpei Furuya ang gintong medalya sa 1:49.33.

“I am satisfied with the results of both Rambo (Chicano’s nickname) and Niko because we were really trained for the Asian Games,” pahayag ni national men’s coach Melvin Fausto.

“Masaya po ako dahil nakapasok ako sa magic 10 at saka nahigitan ko pa yong aking best time,” ayon kay Chicano.

“It doesn’t matter who finishes ahead as long as we did well. We always look at our entry in triathlons as a team effort so I am happy for Rambo,” pahayag naman ni Huelgas.

“Pero balik pa rin ako for training in regular Olympic triathlon event so I can defend my SEAG title in the Philippine­s next year,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines