Balita

Pauline Mendoza, rising star ng GMA 7

- Ni REGGEE BONOAN

NAKAPANAYA­M namin ng solo ang contract star ng GMA 7 na si Pauline Mendoza na ang tunay na pangalan ay Pauline Bianca Cruz Esquieres na tubong Lucban, Quezon at may lahing Espanyol, pero sa Marikina City matagal na naniniraha­n.

Sa edad na 18 ay senior high na ang dalaga at plano niyang kumuha ng kursong arkitekto, pero sinabihan siya ng talent manager niya na mahihirapa­n siya sa schedules dahil kailangan ay full time student siya at puyatan pa. Paano na ang pag-aartista niya?

“Kaya ngayon po ay plano kong kunin sa UP ‘yung Theater Arts po,” kaswal na sabi ng dalaga.

Tatlong taon na siya sa GMA 7 Artist Center at lagi naman siyang may project at primetime pa kaya nagpapasal­amat siya sa network dahil hindi siya napapabaya­an.

Pero bago naman siya napunta sa Kapuso network ay sa ABS-CBN siya nag-workshop.

“Sa Star Magic po, binigyan po ako ng libreng workshop ni Mr.

Johnny Manahan po, kinuha po niya ako, may ibinibigay po silang project noon pero hindi po ako seryoso that time kasi mas pinili kop o ang pag-aaral ko, nagtapos po muna ako ng elementary and high school bago po ako pumasok (full time) sa showbiz.

“E, tapos GMA nap o ang nag-offer ng 5 years contract at nakaka-3 years’ na po ako. Una kong naging project sa kanila was Little Nanay, That’s My Amboy, My Love from the Stars, Alyas Robinhood Season 1, Juan Happy Love Story, Dear Uge, Wagas, Tadhana.

Pinaka big break ko po ‘yung Kambal Karibal kami po ‘yung bida,” kuwento ni Pauline.

Apat silang bida sa Kambal Karibal, sina Miguel Tanfelix,

Kyline Alcantara at Bianca Umali.

Ang nasabing serye ay naging katapat daw ng mga programang

La Luna Sangre at Bagani sa ABS-CBN.

As of now ay may sinasabing next project si Pauline na hindi pa niya alam kung ano, “puro guestings lang po muna ako now. Parang tina-try po nila akong ipasok sa afternoon soap. Kasi lahat daw ng projects ko primetime, so try naman nila ako sa afternoon,” kuwento ng batang aktres.

Bata pa nang magsimulan­g mag-artista si Pauline, three years old pa lang at kaliwa’t kanan noon ang product endorsemen­ts niya tulad ng Jollibee series at iba pa.

“Huminto lang po ako kasi nag-focus ako sa studies ko, bumalik ako sa showbiz 15 or 16 years old na po ako,” say ng dalagita.

Sabi ng mga nakapanood ng Kambal Karibal ay mahusay daw umarte si Pauline at sa katunayan ay madali siyang umiyak. Wala nga raw siyang ginawa sa serye kundi umiyak bilang namatay na kambal at nagmumulto.

Kaya natanong namin kung sino ang iniisip niya dahil madali siyang umiyak kumpara sa iba na ginagamita­n pa ng vicks para tumulo ang luha.

“Normal naman po ‘yung may hugot, pero ako kasi nag-train po ako sa workshop. Sabi po ng manager ko nab ago ako sumalang sa anumang project ay well-trained po ako. Marami na po akong workshops na sinalihan, actually, gustung-gusto ko pong nagwoworks­hop sa GMA 7 na at hanggang ngayon, plano ko po uling sumali hangga’t hindi ako busy,” kuwento ni Pauline.

Nag-iisang anak si Pauline at ang tatay niya ay marketing manager ng kilalang inuming panglalaki at ang nanay niya ay dating manager ng isang bangko.

“Pero ngayon po ay hindi na nagwo-work si mommy kasi may breast cancer po siya stage 3,” kaswal na sabi ng dalaga.

Nilingon namin bigla ang mommy ni Pauline na hindi halatang maysakit dahil malakas at tsumitsika naman sa ibang katoto.

“She’s doing better naman po. Herbal medicines po siya now, ayaw na po niya. Nag-chemo po siya at nasunog ang mukha niya, actually nagta-try siya ng herbal at plano rin niyang mag-seek ng iba pa like sabi nila acupunctur­e raw and ‘yung naturopath­y or alternativ­e medicines. Ayaw po niya mag-stay sa hospital.

“Pero hindi pa rin po sure kung talagang totally cured na si mommy since inalis na po ‘yung isang breast niya, ayaw naman po ipaalis ‘yung isa ng herbal doctor namin kasi pag inalis, lahat ng nag-stay na cancer cells puwedeng mag-spread,” kuwento ni Pauline.

At dahil posibleng magkaroon din ng ganitong uri ng sakit si Pauline ay paano niya naalagaan ang sarili, “ngayon po, gym, diet. Umiiwas po ako sa carbs. Siyempre kailangan kong pumayat.”

Samantala, magkakasam­a sa iisang programa sina Pauline, Miguel, Kyline at Bianca ay may tsikang hindi sila magkakasun­do at bina-bash sila ng supporters nang tatlong artista.

“Ahh, ‘yung isyu raw po na agawan,”sambit ng dalaga. Agawan ng ano, “ng dyowa, ha, ha, ha,” tumawang sabi ni Pauline.

“Hindi ko po alam kung bakit ako nadamay kasi siguro magkakasam­a kami sa show so akala ng tao since nanahimik ako, akala nila ako ‘yung nagkakalat ng isyu,” katwiran ng dalaga.

Sina Bianca at Miguel ang nali-link pero nadadamay si Pauline. At si Kyline naman ay na-boo ng fans habang kumakanta sa nakaraang Iloilo show, sa hindi malamang dahilan.

Para kay Pauline ay wala siyang kinalaman sa gusot kaya dedma siya at hindi niya ito binibigyan ng pansin dahil wala naman siyang mapapala, basta ang mahalaga ay okay silang apat nina Miguel, Kyline at Bianca.

Pero inamin ng dalagita na mas close siya kay Bianca, “si Kyline po, okay naman kami pero hindi po kami close as in close-close.”

Move on na si Pauline sa isyu nina Bianca at Kyline, mas gusto na lang pag-usapan ng dalaga na sana mabigyan siya ng chance na makatrabah­o si Marian Rivera.

“I’d like to work with Ate Yan (Marian) po. Yes, si Ms. Marian Rivera. Kasi po si Kuya Dong (Dingdong Dantes) po naka-work ko na po sa Alyas Robinhood and he’s super nice po. And sana si Ms. Marian din po maka-work ko next show.

“Gusto ko po ma-experience working with her, as in magkaeksen­a together. Kasi nakasama ko na po siya sa SPS (Sunday

PinaSaya), pero hindi ko po siya nakasama sa mga segment doon,” say ng dalaga.

Bukod kay Marian ay gusto ring makasama si Heart

Evangelist­a-Escudero, “hindi po kami nagka-eksena ni ate Heart po, though pareho kaming nasa Juan Happy Love Story.

“Sa lalaki po, gusto kong makasama ulit si kuya Dong, ang bait kasi niya sobra,” say ni Pauline.

Sa tanong kung sinong artista ang ka-close ni Pauline, “wala po akong super close, civil lang po ako. Mas gusto ko pong ka-close ang non-showbiz like classmate’s ko po nu’ng high school. Mahirap po kasi pag showbiz, maraming issues,” katwiran ng dalaga.

Samantala, sa tatlong taon niya sa showbiz ay inipon niya ang kinita niya at ipinambili niya ng dream car niya, Ford Explorer.

Anyway, hoping si Pauline na gumaling na nang tuluyan ang kanyang ina.

 ??  ??
 ??  ?? Pauline
Pauline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines