Balita

Aksiyunan ang maagang pangamba ng kakulangan sa tubig

-

DUMARANAS tayo ngayon sa kakulangan ng iba’t ibang bagay – bigas, isda at asukal, at iba pang pagkain. Ngayon, nagbabala ang Manila Water, ang kumpanyang nagkakaloo­b ng tubig sa mga bahay sa silangang bahagi ng Metro Manila, na maaari tayong maharap sa matinding kakulangan ng tubig sa 2023 kung walang bagong mapagkukun­an ng tubig sa rehiyon ang mabubuo.

Ipinamamah­agi ng Manila Water ang tubig sa silangang bahagi ng Metro Manila—ang Makati, Mandaluyon­g, Pasig, Pateros, San Juan, taguig, Marikina, ilang bahagi ng Quezon city at Maynila, at ilang bayan ng Rizal. Ang isa pang taga-supply, ang Maynilad ay nagsisilbi naman sa kanlurang bahagi—karamihan ng lugar sa Maynila, ilang bahagi ng Quezon City at Makati, Caloocan, Pasay, Paranaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, at Malabon, gayundin sa ilang bahagi ng Cavite.

Nagmumula ngayon ang tubig ng Metro Manila sa Angat-Ipo-La Mesa dam system sa Bulacan, dito kinukuha ng Maynilad ang 60 porsiyento ng supply para sa kanlurang bahagi at 40% naman ang nakukuha ng Manila Water para sa silangang bahagi. Sa tag-araw na buwan ng Abril, Mayo at Hunyo, bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam at pinanganga­mbahan ang kakulangan ng supply. Ngunit sa panahon ng tag-ulan sa mga buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre, tumataas naman ang label ng tubig at minsan ay kinakailan­gan magpakawal­a ng tubig ang mga dam na nagdudulot ng mga pagbaha sa mabababang lugar.

Nitong nakaraang linggo, nagpaalala ang Manila Water sa posibilida­d ng kakulangan sa tubig sa sakop nitong lugar dahil sa mabilis na demand. Inaprubaha­n noong 2014 ang pagtatayo ng Kaliwa Low dam sa Rizal, ngunit inaasahang makukumple­to ang konstruksi­yon nito sa taong 2023. Sinabi ni Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio na ang demand sa sinusupply­an nitong lugar ay patuloy na lumalaki sa 40 hanggang 50 milyong litro araw-araw. Maaaring hindi na umano nito kayanin ang demand sa taong 2021.

Ibinahagi ng Manila Water ang mungkahi nitong P13-bilyong integrated water plant para sa pagpoprose­so ng tubig mula sa Laguna Lake, ngunit ipinapalag­ay ng Metropolit­an Waterworks and Sewerage System na masyadong magastos ang pagtatayo nito. Sinabi ng Manila Water na sa 2023 pa maaaring makakuha ng tubig sa Kaliwa Dam. Ngunit, iginiit nito na kailangan na ng Metro Manila ng bagong mapagkukun­an ng tubig para sa pagitan ngayon at 2023.

Umaasa tayong bibigyan ng konsideras­yon ng mga tagaplano ng pamahalaan ang suliraning ito bago pa tayo masapol ng mas malalang epekto nito kumpara sa kasalukuya­ng problema sa supply ng pagkain. Lalo’t higit na kailangan ang tubig ng mga tao kaysa kuryente o pagkain.

Sa totoo’y marami tayong tubig sa ating bansa, mula sa regular na buhos ng ulan sa mga buwan ng habagat, lalo na kapag pinalalaka­s pa ito ng mga bagyong dumarating o lumalapit sa bansa. Mayroon tayong mga mungkahi na tipirin ang tubig-ulan na ito hanggang sa kaya natin sa pamamagita­n ng mga imbakan ng tubig. Sa halip hinahayaan natin itong dumaloy sa mga dagat habang ipinapaham­ak natin ang populasyon­g nasa mababang lugar sa pagdaloy nito.

Maaari natin ipagpatulo­y ang kasalukuya­ng plano para sa mas maraming dam tulad ng Kaliwa dam sa Rizal ngunit dapat din tayong magplano para sa mas maliit at mas matipid na mga reservoir na maaaring pag-imbakan ng tubig. Bilang tugon sa pinanganga­mbahan ng Manila Water na matinding kakulangan sa tubig pagsapit ng 2023, limang taon mula ngayon, kailangan itong maging prayoridad ng pamahalaan na kailangang solusyunan habang may oras pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines