Balita

Tulong-pinansyal para sa 48,999 na pamilya sa Region 1

-

NASA 48,999 na pamilya mula sa Rehiyon ng Ilocos ang magiging benepisyar­yo ng Unconditio­nal Cash Transfer (UCT), na bagong programa ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) na ipatutupad sa loob ng tatlong taon, simula sa susunod na buwan.

Ang UCT ay tumutukoy sa social welfare benefit sa ilalim ng national government Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law, o ang Republic Act 10963, na nagkakaloo­b ng tulong pinansyal sa mahihirap na Pilipino na nagkakahal­aga ng P200 kada buwan para sa 2018; at P300 kada buwan sa 2019 at 2020.

Matapos dumaan sa balidasyon, kinilala ng DSWD Region 1 ang 48,999 na benepisyar­yo, na karamihan ay mula sa Pangasinan na may kabuuang 35,309; La union, 5,984; Ilocos Sur, 3,954; at Ilocos Norte, 3,752.

Mula sa ulat ng National Household Targeting Section (NHTS), sinabi ni Regional Informatio­n Technology Officer Aristedeo V. Tinol na mayroong 68,480 mahihirap na pamilya mula sa 76,103 target na kinilala sa UCT database.

Nasa 7,623 pamilya naman ang hindi na-validate dahil hindi matunton ang mga dating benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, bakante ang ilang housing units nang puntahan para sa balidasyon, ang ilan naman ay walang tagatugon o tumangging magpa-interview, habang ang iba ay nalipat na sa ibang rehiyon.

“All the funds for UCT grants are lodged with the Land Bank of the Philippine­s,” ani DSWD-Region 1 Director Marcelo Nicomedes J. Castillo.

Aniya, bago ang implementa­siyon ng UCT payout, nakipagkit­a ang opisyal ng DSWD sa mga manager ng Land Bank hinggil sa paraan ng pamamahagi at ang tiyak na paraan para sa lahat ng UCT beneficiar­ies sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Social Pension Program, at Listahanan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines