Balita

Hindi puwedeng kumalas ang PH sa ICC

- Bert de Guzman

PAYAG na ngayon si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na tanggapin ang automatic nomination para sa puwesto ng Chief Justice matapos ihayag ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na ang sinusunod niyang batayan sa paghirang ay ang seniority rule. Tinupad ito ni PRRD sa paghirang kay SC Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.

May nangangamb­a na baka manganib ang posibleng paghirang kay Carpio bilang Punong Mahistrado batay sa seniority rule at meritocrac­y, ngayong nagpahayag siyang kailangan ang approval o pagsangayo­n ng Senado sa withdrawal ng Pilipinas sa Internatio­nal Court of Justice (ICC). Hindi raw ito magagawa ng Executive Branch lamang.

Maging si Vice Pres. Leni Robredo ay salungat sa claim ng Malacañang na si Mano Digong ang may “sole discretion” sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute, ang treaty na nagtatag sa ICC. Naniniwala si beautiful Leni na kailangan ang pagkatig ng Senado na siyang treaty-making body.

Sa oral arguments noong Martes tungkol sa mga petisyon ng anim na opposition senator at ng Philippine Coalition for the Internatio­nal Criminal Court (PCICC) sa pangunguna ni ex Commission­on Human Rightsc hairperson Loretta Rosales, sinabi ni Carpio na hindi basta-basta mai-wiwithdraw ng pangulo ang PH sa ICC sapagkat ito ay isang uri ng tratado na hindi puwedeng ipawalang-saysay nang walang approval ng Kongreso o Senado.

Kwidaw ka lang Mr. Justice. Maaaring tama ang iyong argumento, pero mahirap kalabanin ang Palasyo. Posibleng gumawa o umimbento ito ng mga dahilan upang ikaw ay hindi mahirang at muling mabypass dahil patuloy ka sa pagkontra sa paninindig­an ng Presidente. Tingnan ang nangyari kay Ma. Lourdes Sereno, siya ay na-quo warranto at hindi na-impeach.

Anyway, aabangan ng taumbayan ang magiging kapalaran mo ngayong payag ka nang sumali sa pagpili ng Pangulo na susunod na Chief Justice sa pagreretir­o ni CJ De Castro sa Oktubre 8. Malalaman ng mga Pinoy kung sinsero ang ating Pangulo kung tutuparin niya ang seniority rule sa paghirang ng Punong Mahistrado gaya ng ginawa niya kay De Castro.

Hindi masusugpo ang illegal drugs sa bansa kahit araw-araw mang pumatay ng pushers at users ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at vigilantes hanggang tone-toneladang shabu ang nakaluluso­t sa Bureau of Customs (BoC).

Kahit gaano mang “relentless” at “chilling” ang pakikibaka ni PDu30 at ni PNP Director General Oscar Albayalde at ni PDEA General Aaron Aquino (nakaleave pa ba siya?), mawawalan ng bisa ang magandang layunin ng ating Pangulo na mapuksa ang salot, hanggang nagkalat ang shabu at drug laboratori­es sa high-end subdivisio­ns, condos, at mga liblib na lugar sa mga probinsiya.

Nagpahayag si ex-Pres. at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, na hindi siya tatakbo sa 2019 at walang balak na maging Prime Minister. Very good Madame Speaker. Marahil ay tanging si GMA lamang ang pulitiko na humawak ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno: Senador, Vice President, President, Congresswo­man at ngayon ay Speaker ng House Representa­tives. Mabuhay ka GMA!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines