Balita

‘Eat Bulaga’, nagdiwang sa birthday ni Tito Sen

- Nora V. Calderon

NAPAKASAYA sa Broadway Studio ng Eat Bulaga dahil sa pagsi-celebrate ng 71st birthday ni Senator Tito Sotto. Noong Agosto 24 pa ang birthday ni Tito Sen ng lahat, pero dahil may work siya sa Senado, being the Senate President, ay ginanap lang nila ang celebratio­n noong Sabado.

Present sa selebrasyo­n ang asawa niyang si Ms. Helen Gamboa, na nagtanghal kasama ang Broadway Boys.

Pero bago iyon, ipinakita muna Miss Millennial Philipines 2018 na si Miss Millennial Iloilo

Demi Patria Jainga, pati ang mga delicacies at masasarap na pagkain nila roon.

Ginanap din muna ang weekly finals ng Hype Kang Bata Ka segment at ang mga manager ng mga batang sina phenomenal star Maine Mendoza at

Allan K.

Then ang pinakahihi­ntay ng lahat, ang duet ni Ms. Helen Gamboa at Broadway Boys. Wala pa ring kupas si Helen dahil maganda pa rin ang boses niya, inawit niya mga awitin noong artista pa siya. Hindi lamang iyon, sumayaw din siya. Pakilala nga sa kanya ni Bossing Vic Sotto, ang “Dancing Queen of Philippine Cinema” at nag-iisang babae sa puso ni Tito Sotto. Nanonood naman ang lahat ang Dabarkads at ang mga anak nina Ms. Helen at Tito Sen at enjoy na enjoy nagvideo ng parents nila. Hindi naman nagpahuli si Tito Sen ay hinadugan ng awitin si asawa. Kinanta niya ang This Is My Song. Love is a Splendored Thing naman ang kinanta ng Broadway Boys para sa mag-asawa.

Itinuloy ang selebrasyo­nn nang ipasok na ang birthday cake for Tito Sen, nina Alden Richards at Maine Mendoza, na humirit pa ng second kiss nina Tito Sen at Ms. Helen. Biro tuloy ni Joey de Leon, gayahin raw nila ang gagawin ng AlDub. Madali raw namang kausap si Alden sabi ni Allan K. At hayun nga, naghiyawan ang lahat nang halikan ni Alden si Maine, at isa si Ms. Helen sa tumili dahil love daw niya talaga ang pares.

Ngayong linggo ay nasa barangay sina Alden at Ruby Rodriguez, kasama nina Maine at ng JoWaPao, dahil sila naman ang manager ng mga batang contestant­s.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines