Balita

Masterpiec­e ang ‘Goyo'

- Ni DINDO M. BALARES

GENIUS si Jerrold Tarog. Walang kaduda-duda sa kanyang bagong pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral.

Masterpiec­e ang Goyo na kinakailan­gang mapanood ng bawat Pilipino na naghahanga­d malaman ang mga dahilan kung bakit humantong sa ganito ang kalagayan ng Pilipinas.

Hindi pa tayo katulad ng ibang mauunlad na bansa, gaya halimbawa ng Japan na inaappreci­ate ang bawat pinaghihir­apang katha ng kanilang pinakamahu­husay na artists, pero dapat na natin silang gayahin upang mapakinaba­ngan ang pinagsusun­ugan ng kilay ng mga henyo natin.

Ang Goyo ay hindi simpleng pelikula kundi klasikong likhang-sining. Simula sa script, pagganap, camera works, pagiilaw, tunog at musika, at kabuuang pagkakadir­ihe, agad na itong napahanay sa pinakamahu­husay na pelikulang Tagalog.

Bilang modern artwork, sinasagot ng

Goyo ang napakarami­ng katanungan sa paraang nakakaaliw o hindi nakakabago­t dahil sa bihasang paghawak ng baton ng maestrong direktor.

Nagsimula ang Goyo sa tinapusan ng

Heneral Luna. Kritikal ang bahaging ito ng ating kasaysayan, noong umabot na sa sukdukan o tipping point ang pasensiya ng mga Pilipino nang patayin si Jose Rizal, nag-uumpisa nang magkaisa ang mga Pilipino para lumaban sa Espanya, pero naging anti-climactic dahil umentra ang mga Amerikano.

Ginamitan tayo ng divide and conquer strategy ng mga Kano at agad namang nagyarian ang pinakamata­tapang sa lahing kayumanggi.

Bahagyang dinaanan at tinalakay ko ang bahaging ito sa huli kong libro—kung bakit nagkayaria­n sina Hen. Emilio Aguinaldo, Supremo Andres Bonifacio, Hen. Antonio

Luna, at Hen. Gregorio del Pilar. Dahil hindi

tayo likas na warriors, sadyang payapang lahi ang mga Pilipino, ayaw ng gulo, kaya hindi marunong makipag giyera. Sa halip na magkaisa, pinapatay ang isa’t isa.

Palasak na ang sinasabi ng historians na lahat ng bansang umunlad ay dumaan muna sa rebolusyon; na wala pang bansang umasenso na hindi muna naligo sa sariling dugo. Pinaliguan ng mga ninuno natin ng sariling dugo ang bawat isa, pero tulad ng inamin ni Apolinario Mabini sa La Revolucion Filipina, na buong layang ginamit sa pelikula, bumagsak ang rebolusyon dahil “para tayong mga bata”.

Hanggang ngayong Third Wave o Informatio­n Era at informatio­n war na, para pa rin tayong mga bata. May ilang nakapanood nang nagkakamal­ing ikumpara sa bombastic na Heneral Luna ang Goyo. Palamurang palaban si Luna samantalan­g reluctant warrior naman si Goyo. Pinag-isipang mabuti ni Direk Jerrold ang kanyang trilogy at ‘tila ihahambing niya ang tatlong pelikula sa growth ng tao.

Sa Heneral Luna, ang umpisa gaya ng lumalaking tao, puro ka pa mura sa mga nangyayari, sa Goyo na estado ng

pagbibinat­a ay romantiko at naghahanap ka ng silbi at kabuluhan sa mundo. Si Manuel Quezon ang gagawan ng film-bio sa huli, na isa nang thinking person.

Hangad ng sinumang henyo na maiahon sa lubluban ng kapalaran ang kanyang mga kababayan. Sa kaso nating mga Pilipino, sa paulit-ulit na pagyayaria­n ng mga pinakamata­tapang ng ating lahi.

Mapalad si Jerrold Tarog sa pagkakaroo­n ng makabayang producers na gumagastos para isalin sa pelikula ang kanyang malawak na vision bilang film maker at bilang Pilipino.

Sasayangin natin ang kanilang malasakit at mga pagsisikap kung hindi natin panonoorin ang kanilang pelikula.

 ??  ?? Eksena mula sa ‘Goyo’
Eksena mula sa ‘Goyo’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines