Balita

Rapper na si Mac Miller, pumanaw

-

BINAWIAN ng buhay ang rapper na si Mac Miller, ang platinum hip-hop star na nagsimulan­g gumamit ng party raps hanggang sa mga liriko tungkol sa depresyon at drug use, at napuri nina Jay-Z at Chance the Rapper. Siya ay 26 anyos.

Inilahad ng kanyang pamilya sa isang pahayag na pumanaw si Mac nitong Biyernes ngunit wala nang sinabing ibang detalye.

“He was a bright light in this world for his family, friends and fans,” saad sa pahayag.

Binawian ng buhay sa Los Angeles si Mac, na ilang beses ring napabalita dahil sa kanyang two-year relationsh­ip sa singer na si Ariana Grande.

Ayon sa Los Angeles Police, rumesponde sila sa report na may taong wala nang buhay sa kanyang tahanan sa kaparehong lugar kung saan residente si Mac, at ibinigay nila ang kaso sa coroner’s office. Sinabi naman ng coroner’s na wala pa silang detalyeng mailalabas.

Kahit na walang kantang pasok si Mac sa Top 40 radio, marami naman siyang followers sa streaming networks at mayroon din siyang album debut na naging No. 1 sa top 200 albums chart. Nakipagtra­baho na rin siya kina Kendrick Lamar, Lil Wayne at Ty Dolla $ign.

Ini-release niya ang kanyang ikalima at length album na Swimming nitong nakaraang buwan, at inilarawan pa ito ng Variety na “a simple, stately, poetic autobiogra­phy.” Ayon naman sa Rolling Stone, ito ay “silky, deep vibe redolent of the L.A. alternativ­e soul scene.” Habang sabi naman ng New Musical Express na “(it was) his best work in years.”

Kabilang sa album ang kantang Come Back to Earth, na may lirikong: “In my own way, I feel like living some alternate reality/ And I was drowning, but now I’m swimming through stressful waters to relief.”

Nakatakda namang niyang simulan ang kanyang tour sa katapusan ng buwan at nitong Huwebes, tweet niya: “I just wanna go on tour.”

Samantala, ilang kasamahan sa showbiz ang nagpahayag ng kanilang pakikirama­y. Ayon kay Chance the Rapper: “I don’t know what to say Mac Miller took me on my second tour ever. But beyond helping me launch my career he was one of the sweetest guys I ever knew. Great man. I loved him for real. I’m completely broken. God bless him.”

Post naman ni J Cole: “This is a message for anybody in this game that’s going through something. If you don’t feel right, if you feel you have a substance problem, if you need a ear to vent to. If you uncomforta­ble talking to people around you. Please reach out to me.”

 ??  ?? Mac
Mac

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines