Balita

Isa pang Saludar sa boxing

- Ni ANNIE ABAD

MANDAUE CITY -Nakasiguro ng panalo ang bunsong kapatid ng tatlong kilalang boksingero ng bansa sa opening bouts ng Philippine Sports Commission PSCPacquia­o Amateur Boxing Cup National Finals sa Mandaue Sports Complex dito.

Nalusutan ng 19- anyos na si Jake Son Saludar ng Polomoloc South Cotabato ang kanyang karibal na si John Ednoel Prevendido ng Davao City sa pamamagita­n ng 3-2 panalo ( split decision) sa Youth boys light flyweight 46-49kg category.

"Medyo kinabahan po nung una pero noon pong nakita ko na kaya ko siya, nakuha ko na po 'yung kilos ko kaya nakaangat po ng kaunti," pahayag ni Jakeson.

Si Saludar ay bunsong kapatid ng mga profession­al boxers na sina Victorio at Froilan Saludar at 2010 Asian Games gold medalist at ngayon ay miyembro na ng army na si Rey Saludar.

Buhat sa malaking pamilya ng mga boksingero, nangangara­p din ang batang Saludar na makapasok sa national team gaya ng kanyang mga kapatid.

"Sana po kung suswertihi­n makapasok sa national team. Gusto ko pong maging kagaya ng nga kuya ko e," ani Saludar.

Bunso sa l14 na magkakapat­id, at katatapos lamang sa Grade 12 ang batang si Saludar, at plano niya na pagbutihin pa ang paglalari ng boxing at magtagumpa­y buhat dito.

Samantala, sa ibang results, nagwagi ang pambato ng Cebu City na si John Paul Gabunelas kontra Kay Eddie Mapusao ng Camarines Sur sa 5-0 panalo sa youth boys light flyweight 4649kg.

Sinundan naman ito ng panalo ni Jet Michael Lotino ng Castillejo­s Sorsogon kontra Kay Edmund Oro ng Escalante City sa Bacolod, 5-0 sa parehong kategorya.

Sa youth boys bantamweig­ht 56kg category naman ay nagwagi si RV Denega ng General Santos City kontra Kay Herlan Gomez ng Victoria City Bacolod, sa 5-0 panalo.

Aakyat sa quarterfin­al round ang mga boksingero na nagwagi upang duon makipaglab­an muli hanggang makaabot sa National Finals na magaganap bukas.

 ??  ?? SALUDAR! Gagayahin ko sina kuya.
SALUDAR! Gagayahin ko sina kuya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines