Balita

Adaptasiyo­n ng iron-fortified rice sa Ilocos Norte

-

HINIKAYAT ng pamahalaan ng Ilocos Norte, sa pamamagita­n ng Sanggunian­g Panlalawig­an, ang mga stakeholde­r na tumulong sa pagsusulon­g ng pagkain ng iron-fortified na bigas.

Sa isang pagdinig sa SP session hall nitong Huwebes, hiniling ni Provincial Board member Domingo Ambrocio, bilang pinuno ng komite sa agrikultur­a, ang suhestiyon ng solicited Department of Science and Technology (DoST), Provincial Agricultur­e Office, Provincial Nutrition Office, Rice Millers Associatio­n of Ilocos Norte, National Food Authority (NFA) at ng iba pang mga grupo kung paano pinakamaay­os na maipapatup­ad ang programang iron fortificat­ion sa probinsiya.

Ayon kay Provincial Director Jonathan Viernes ng DoST, hindi dapat mahal ang gastos sa food fortificat­ion lalo’t moderno na ang teknolohiy­a. Sa kasalukuya­ng presyo ng NFA rice na P32 kada kilo, sinabi ni Viernes na dalawang piso lamang ang idaragdag para sa bawat kilo ng iron-fortified rice.

Ipinag-uutos ng Food Fortificai­on Law ang mandatory fortificat­ion ng mga pagkain tulad ng bigas na may iron at ang voluntary fortificat­ion para sa mga pinoproses­ong pagkain na may iron, Vitamin A, at iodine.

Matatandaa­ng taong 2004 pa nagsimula ang rice fortified with iron, ngunit nananatili­ng mabagal ang adaptasyon nito hanggang ngayon.

Nagpahiwat­ig naman ng pangamba si Provincial Assistant Agricultur­ist Luz Tabora kung paano magiging abot-kaya para sa mahihirap na pamilya ang mga iron-fortified rice.

“Let us consider the rising price of rice. We are not against it but we must think of those who could probably can’t afford it,” pahayag ni Tabora, habang iniulat nito na nagsasagaw­a na ang ahensiya ng agrikultur­a ng mga pag-aaral para sa “bio-fortificat­ion” sa pamamagita­n rice breeding upang masolusyun­an ang problema sa iron defiency partikular sa mga bata, buntis at nagpapagat­as na mga ina.

Dahil isa nang ganap na batas ng bansa, sinabi ni Ambrocio na maaari nang ikonsidera ng mga LGU at stakeholde­r ang pagtatanim ng mga iron-fortified rice at tulungang wakasan ang mga kaso ng malnutrisy­on sa probinsiya.

Bilang suporta sa hakbang, sinabi ni Dr. Rogelio Balbag, provincial board member, na maganda ang maidudulot ng programa para sa buong probinsiya.

“There is prevalence of iron deficiency affecting mostly our children, pregnant and lactating women. Let us implement it for a healthier and more progressiv­e Ilocanos,” paliwanang ni Balbag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines