Balita

R4.4-M droga, huli sa ‘courier’ ng ex-cop

- Nina ERMA R. EDERA at FER TABOY

Nasa P4.4 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinala­ng drug runner ng isang ‘ninja cop’ sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD), National Capital Regional Police Office (NCRPO), at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa Sampaloc, Maynila, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Amelita Sabino, hinihinala­ng drug runner ng dating pulis na si Police Officer 2 (PO2) Jolly Lapuz Aliangan, na dating nakatalaga sa Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) Division ng NCRPO.

Ikinulong si Aliangan sa Manila City Jail simula noong Mayo 2016, dahil sa drug charges at illegal possession of firearms and ammunition.

Sa imbestigas­yon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng MPD, NCRPO at PDEA sa loob ng isang compound sa Palawan Street corner Visayan St., Sampaloc, Maynila, dakong 6:30 ng gabi nitong Martes.

Ayon sa awtoridad, binentahan ni Sabino ng pitong pakete ng hinihinala­ng shabu ang isang poseur-buyer na naging sanhi ng kanyang pagkakaare­sto.

Narekober sa suspek ang pitong malalaking pakete ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 650 gramo, at P800,000 marked money.

Ayon kay Manila police director Supt. Rolando Anduyan, ang pagkakaare­sto kay Sabino ay nagpapatun­ay na si Aliangan ay sangkot pa rin sa drug traffickin­g activities sa Metro Manila at Calabarzon.

 ??  ?? ‘DRUG RUNNER’ NG EX-COP? Personal na sinuri ni NCRPO head Chief Director Guillermo Eleazar ang P4.4 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu na nasamsam sa hinihinala­ng drug runner ng dating pulis sa Sampaloc, Maynila, nitong Martes ng gabi.
‘DRUG RUNNER’ NG EX-COP? Personal na sinuri ni NCRPO head Chief Director Guillermo Eleazar ang P4.4 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu na nasamsam sa hinihinala­ng drug runner ng dating pulis sa Sampaloc, Maynila, nitong Martes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines