Balita

‘Ika-5 Utos,’ promising ang istorya

- Ni DINDO M. BALARES

MUKHANG hindi nagkamali ang GMA-7 sa follow-up project sa kanilang hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos

nina Gabby Concepcion, Ryza Cenon at Sunshine Dizon sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Sa inilabas na AGB Nielsen NUTAM ratings ng premiere telecast nitong nakaraang Lunes, nakakuha ang Ika-5 Utos ng 5.7 percent, kumpara sa 5.1 percent ng nakatapat nitong It’s Showtime ng ABS-CBN.

Sina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen ang main cast ng Ika-5 Utos kasama sina Tonton Gutierrez,

Antonio Aquitania, Neil Ryan Sese, at Jake Vargas. Siyempre, si Direk Laurice uli ang namamahala sa serye na unang araw pa lang ay promising na agad ang magiging labu-labong awayan.

Matinding conflict ng characters at masalimuot na istorya ang sinubaybay­an sa

Ika-6 Na Utos na nagpasikat nang husto kay Ryza, na agad nang kinontrata ng ABS-CBN. Tulad ng alam na ng lahat, ang title ng dalawang serye ni Direk Laurice ay kinuha sa Ten Commandmen­ts. Ang una, tungkol sa pangangali­wa at “Thou Shall Not Kill” naman itong bago.

Nagsimula ang Ika-5 Utos sa birthday party ng anak ni Eloisa (Jean). Ipinakilal­a na rin ang mga amiga niyang sina Clarisse (Valerie) at Kelly (Gelli) at ipinakita ang kanya-kanyang buhay-pamilya.

Hindi na maligaya si Clarisse sa piling ng asawang si Emil (Tonton) na pinagdudud­ahan niya ang pagkalalak­i at dati palang nanligaw kay Eloisa noong high school sila.

Naitanim na agad ang isa sa mga ugat ng magiging away. Pero sa pagsisimul­a, siyempre, maayos pa ang samahan nina Eloisa at Clarisse.

Ang laging nagtatalo, si Kelly (na matalik na kaibigan Eloisa) at si Clarisse. Materyosa si Kelly na laging naiinggit sa mga mamahaling gamit ni Clarisse, kaya bumibili rin siya—ng peke. Mag-asawa sina Kelly at Benjie (Antonio), anak nila si Carlo (Jake). Isa pang tanim na siguradong magbubunga ng katakut-takot na away ang kuwento ni Benjie kay Kelly na kinakaliwa si Eloisa ng asawang si Randy na ginagampan­an ni Neil Ryan Sese.

Siyempre pang sinabi agad ito ni Kelly sa kaibigan. At hayun, nahuli ni Clarisse si Randy dahil magkaopisi­na sila.

Pero bantay-salakay naman pala itong si Clarisse, dahil nakipag-affair siya kay Randy. Kung saan hahantong ang kataksilan nila, ipamahala na lang natin kay Direk Laurice at sa creative team niya.

 ??  ??
 ??  ?? Gelli, Jean, at Valerie
Gelli, Jean, at Valerie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines