Balita

Jolo at Coco, posibleng magsama sa action film

- Ni ADOR SALUTA

DAHIL napabilang na sa cast ng primetime seryeng Ang Probinsyan­o ang aktorpulit­iko na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla at balik-eksena na ulit sa pagpopo-produce ang Imus Production­s, nabanggit ng batang Revilla na posible raw makipag-collaborat­e si Jolo kay Coco Martin sa paggawa ng isang action film.

Sa presscon ng trilogy film na Tres, naikuwento ni Jolo na, “siguro, mas maganda kung si Bong Revilla at si Coco Martin ang magsama. Pero siyempre, kaming dalawa, oo naman, puwede. Hindi pa lang namin napaguusap­an. Hopefully.”

“May title ang Imus (Production­s) na hawak ngayon, yung Sa ‘Yo Ang Cavite, Akin

Ang Tondo. Pero wala pa, wala pa. Hindi pa napag-uusapan,” excited niyang pahayag sa

PUSH nang makausap siya sa pocket presscon ng nasabing pelikula.

Nagpaalam na ang karakter ni Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyan­o bilang head ng PSG na nangangala­ga sa presidente. Malaki umano ang pasasalama­t niya kay Coco dahil ay muli siyang nakasabak sa sa teleserye.

“Laking pasasalama­t ko siyempre sa management at siyempre kay Coco dahil… thankful for giving me this opportunit­y to work again and sa pagbabalik sa teleserye dahil ang tagal na, after My Binondo Girl saka lang ako nakabalik.”

May bagong pinagkakaa­balahan ngayon si Jolo at ito ay ang pagsusulat ng mga kanta.

“Actually, madami na. May ‘Nahulog’, may ‘Napagod’, may ‘Dahil’. Pero hindi ‘yon part ng film. Ginagawa ko lang ‘yon, parang outlet kapag nalulungko­t, masaya, inspired,” sey niya.

Banggit pa niya, niregaluha­n niya ng kanta ang leading lady niya sa 72 Hours, si Rhian Ramos.

“Yung ‘Napagod’ binigay ko kay Rhian. Siya ‘yung kumanta. Kailangan daw niya ng Tagalog, parang sa album niya yata.”

Ano namang kapalit ng niregalo niyang kanta?

“Friendship. Kailangan ba lahat ng bagay may kapalit?” natatawa niyang sagot.

Eh, si Jodi Sta. Maria, binigyan din ba niya ng kanta?

“Actually, nu’ng kami pa may nasulat akong kanta for her, ‘yung ‘Nahulog’,” pagamin ng aktor.

Umaasa pa ba siya na magkakabal­ikan sila ni Jodi?

“Only time can tell if we are really meant to be, ‘di ba?” tugon pa niya.

Samantala, bida rin sa Tres ang mga kapatid ni Jolo na sina Bryan (Virgo) at Luigi Revilla (Amats). Ang pelikula ay ipalalabas ng Star Cinema sa Oktubre 3.

 ??  ??
 ??  ?? Jolo at Coco
Jolo at Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines