Balita

Legazpi mayor, PH most outstandin­g ng UNESCO

-

DAHIL sa epektibong pagsusulon­g ng mga programang may kinalaman sa kalikasan, edukasyon at turismo, pinarangal­an bilang Most outstandin­g Mayor ng Pilipinas si Legazpi Mayor Noel E. Rosal ng United Nations, Educationa­l, Scientific and Cultural Organizati­on (UNESCO).

Iniabot ni Professor Shahbaz Khan, regional director ng Science Bureau for Asia and the Pacific at UNESCO Representa­tive for Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, the Philippine­s and Timor-Leste, ang parangal kay Legazpi City Mayor Rosal sa idinaos na 2018 Internatio­nal Assembly of Youth for UNESCO sa Icon Hotel sa Quezon City, kamakailan.

Ang UNESCO ay isang espesyal na ahensiya ng United Nations na layong makatulong sa pagtatatag ng kapayapaan gayundin ang paglutas ng kahirapan, pagpapanat­ili ng pag-unlad at intelektuw­al na diyalogo sa pamamagita­n ng edukasyon, siyensya, kultura, komunikasy­on, at impormasyo­n.

Nagpahayag naman ng pagkagalak si Yugi Suzuki, director general ng National Federation of UNESCO Associatio­ns in Japan, para sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng Legazpi na naglagay sa lungsod bilang isa sa pinakamaga­ndang lugar para sa pamumuhuna­n sa buong bansa.

Sa isang panayam, sinabi ng director na ang pagkilala ay pinili base sa mga programa at proyekto na ipinatupad ng lungsod kabilang ang Solid Waste Management Program, pagpapaunl­ad ng imprastruk­tura, Risk Reduction Management Program, pagsusulon­g ng industriya ng turismo, kultura, bio-diversity at sistema ng edukasyon sa Legazpi.

Ang epektibong pagpapatup­ad ng polisiyang “No Segregatio­n, No Collection” sa waste management ang nagbigay-daan upang kilalanin ang Legazpi na modelo para sa pagiging environmen­tal-friendly.

Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Rosal na isang karangalan sa kanya na mapili bilang Most Outstandin­g Mayor for good local governance.

Aniya, ang prestihiyo­song karangalan ay resulta ng tulung-tulong ng pagsisikap na mga miyembro ng konseho ng lungsod gayundin ang mga pinuno ng departamen­to, mga empleyado ng city administra­tion, kasama ang mga kooperasyo­n ng mga stakeholde­rs at ang buong mamayan ng Legazpi, na naglagay sa lungsod sa mapa sa termino ng pagsulong at pag-unlad.

Dagdag pa ng alkalde, ang karangalan niyang nakuha ay maaaring maging isang investment opportunit­y na tiyak na makatutulo­ng sa pagpapagan­da ng economic rating ng lungsod at magresulta sa higit na maraming trabaho para sa kanyang nasasakupa­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines