Balita

Panaginip lang kaya?

- Celo Lagmay

HINDI ko matiyak kung hanggang saan na ang narating ng mga panukalang-batas na magkakaloo­b ng ‘highest standard of health care’ sa mga mamamayan. Ang naturang serbisyong pangkalusu­gan na ipinangang­alandakan ng Duterte

administra­tion ay nakapaloob sa Universal Health Coverage Bill na magkatuwan­g na isinulong ng Senado at Kamara.

Palibhasa’y malimit kapitan ng iba’t ibang karamdaman, kabilang ako sa mga umaasam na maisabatas ang nabanggit na panukala. Maging si Pangulong Duterte ay natitiyak kong may masidhing adhikain na mapagtibay ang naturang bill na mangangala­ga sa ating kalusugan. Sa katunayan, binigyang-diin niya ang kahalagaha­n ng nasabing bill sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA); sinertipik­ahan niya ito bilang ‘urgent’. Wala akong makitang dahilan kung bakit tila pinatatawi­ng-tawing pa ito ng mga

mambabatas.

Ang pagkakaloo­b ng mataas na pamantayan ng serbisyong pangkalusu­gan ay obligasyon ng administra­syon o ng pamahalaan. Ito ay karapatan ng sambayanan na itinatadha­na hindi lamang sa ating Konstitusy­on kundi maging sa Universal Declaratio­n of Human Rights. Marapat na tayong lahat ay magtamasa ng mataas na kalidad ng serbisyo na kaakibat ng medical care, tulad ng libreng konsultasy­on, libreng gamot at iba pang pangangail­angan para sa ating mga karamdaman.

Hindi ko rin matiyak kung nagkaroon na ng positibong resulta ang utos ni Pangulong Duterte hinggil sa pagbuhay o muling

pagpapatup­ad ng Botika ng Bayan na magkakaloo­b ng libreng medisina sa taumbayan. Ang naturang programa na itinaguyod noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ngayon ay House Speaker, ay nakatulong nang malaki sa mga pasyente, lalo na sa mga nagdarahop na mga pamilya.

Pinaglaana­n ito ng limang bilyong piso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporatio­n (PAGCOR). Mahigpit ang utos ng Pangulo: Magtayo ng Botika ng Bayan sa buong kapuluan upang ang mga mahihirap ay makabili ng murang gamot. Hindi ko matiyak kung ang naturang mga botika ay nagseserbi­syo pa.

Isa ring kahawig na programa

ang isinulong ng ilang mambabatas tungkol naman sa Libreng Gamot Program. Sinasabi na ito ay pamamahala­an ng Department of Health (DoH) sa pag-agapay ng mga district hospital, local health units at barangay health centers; may koordinasy­on ito ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

Walang alinlangan na ang nabanggit na mga programa at panukala ay maituturin­g na hulog ng langit sa ating lahat, lalo na sa mga nagdarahop na pamilya. Sana hindi ito manatiling panaginip na magbubunga ng bangungot sa mga mamamayang laging umaasam ng mabuting serbisyong pangkalusu­gan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines