Balita

Banta ng bagyo

- Aris Ilagan

HANDA na ba kayo? Simula pa noong Lunes ay sunud-sunod na ang abiso ng Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion o PAGASA hinggil sa paparating na super typhoon na may internatio­nal name ‘Mangkhut.’

Sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) na inaasahang magaganap bukas (Biyernes), tatawagin naman itong Bagyong Ompong.

Sa taya ng PAGASA, malawak ang lugar na maaapektuh­an ng super typhoon kaya’t maya’t maya pagpapapal­abas ng babala ng weather agency sa publiko.

Inaasahang may dala itong hanging may bilis na 230 kilometro kada oras. Dahil dito, pinanganga­mbahang aabot sa Alert Level 4 ang ipalalabas ng mga weather expert simula bukas.

Sa kabila nito, marahil ay nakararana­s pa rin ang maraming lugar sa bansa ng magandang panahon hanggang sa mga oras

na ito.

Subalit ‘wag po tayong pawarde-warde lang dahil sa simula nang pagbuhos ng ulan ay baka magulantan­g na lang tayo sa matinding perwisyo na kakambal ng super bagyo.

Naisip-isip n’yo na ba kung saan ninyo dapat iparada ang inyong sasakyan sakaling tumaas ang baha sa inyong lugar?

Ininspeksi­yon n’yo na ba ang mga pinagpakua­n sa bubungan ng inyong bahay upang tiyakin na walang yero ang matatangay ng malakas na hangin?

Handa na ba ang baterya ng mga flashlight at kandilang gagamitin sakaling mawalan ng kuryente?

At higit sa lahat, mayroon ba

kayong sapat na supply ng pagkain sakaling hindi makapagbuk­as ang mga tindahan sa palengke dahil sa pananalasa ng bagyo?

Hindi po naman namin kayo nais gawing praning subalit iba na rin po ang palaging handa.

Batid nating lahat na malaki na ang pagbabago sa weather pattern sa ating bansa bunsod ng climate change kaya dapat ay praktisado na tayo sa ganitong uri ng kalamidad.

Nangangamb­a po si Boy Commute dahil hanggang sa sinusulat ang kolum na ito, patuloy pa rin ang pagpo-post ng ilang mga netizen hinggil sa kanilang plano sa weekend.

Mayroong tuloy ang barkadahan, mayroon din pong susugod pa rin sa

mga probinsiya upang bisitahin ang kanilang mga kamag-anak.

Malinaw ang tagubilin ng PAGASA sa mga mamamayan: Stay put!

Kaya habang hindi nakalalaba­s ng bansa ang bagyong Ompong ay ‘wag muna tayong pakalat-kalat sa mga lansangan.

Ganu’n din po ang panawagan ni Boy Commute sa mga pampubliko­ng sasakyan. Huwag po nating ibuwis ang ating buhay sa konting kikitain sa kasagsagan ng kalamidad.

Sabay-sabay din po tayong manalangin sa Diyos na wala sanang masaktan sa pagdaan nitong super typhoon.

Amen!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines