Balita

‘Ang Probinsiya­no’ lalong nagiging kaabang-abang

- Ni REGGEE BONOAN

MAKAPIGIL-hininga pala ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyan­o nitong Lunes, kaya naman pala nagsisigaw­an ang mga nanonood nito.

Mismong mga kaibigan naming tagaGMA 7 ay nanood pala ng nasabing serye ng Dos nitong Lunes, at ang sabi sa amin: “Grabe, aatakehin kami kay Cardo (Coco Martin)! Ha, ha, ha!”

Biniro namin siya: “Hala, ‘di ba dapat ‘yung programa (katapat ng Ang Probinsyan­o) ninyo ang pinapanood n’yo?”

“Kay Cardo kami. Mas exciting, mas exciting! Nabaril na ang Presidente, ‘yun ang dapat abangan,” tumatawang sagot sa amin.

Hindi na namin babanggiti­n kung sino, pero may nag-post din sa social media na may koneksiyon din sa GMA na talagang sinusubayb­ayan pala nila ang programa ni Coco. Aliw nga kasi wala silang palya.

Anyway, ang dami nang namatay na malalaking pangalan sa FPJ’s Ang Probinsyan­o,

tulad ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na head ng Presidenti­al Security Command ni Rowell Santiago bilang President Oscar Hidalgo.

Feeling namin kaya kailangan na ring mamaalam si Jolo dahil nakatakda siyang lumipad papuntang Amerika para mag-aral sa Harvard University. ‘Yun nga lang, dinig namin ay hindi niya expected na mapapadali ang pagkawala niya.

At sa episode nitong Lunes ay ‘tila hindi na rin mabubuhay ang pamilya ng presidente, na sina Dawn Zulueta, Francis Magundayao, Nayomi Ramos, at Ryza Cenon dahil lahat sila ay kritikal. Ang tanong ng madlang pipol, mabubuhay kaya si Oscar Hidalgo (Rowell) dahil hindi naman siya itinakbo sa hospital ni Cardo kundi dinala niya sa hide out nilang mga Vendetta? Kaya talagang aabangan mo ang FPJ’s Ang Probinsyan­o dahil sa makapigilh­iningang kuwento nito. “Masarap manood ng Cardo kapag may konting inuman, kasi masarap ang kuwentuhan. Lalo na ‘pag ang pulutan mo ay corned beef at sardinas,” hirit pa sa amin ng tagaGMA.

Ha, ha, ha! Kalurkey! Binanggit ang mga ineendorso ni Coco. Anyway, tatlong taon na ang Ang Probinsyan­o at sa loob ng mahabang panahon ay napanatili nito ang mataas na ratings, at higit sa lahat pang14 show na pala ang programang kasalukuya­ng itinatapat dito ng GMA–7.

 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines