Balita

Fil-Am, kampeon sa ‘You Think You Can Dance’ sa Amerika

-

ITINANGHAL na kampeon ang Fil-Am dancer na si Hannahlei Cabanilla, 18, sa American dance competitio­n na So You Think You Can Dance Season 15, nitong Lunes.

Matapos ang ilang linggo ng nakakapago­d na auditions at dazzling performanc­es, sa huli ay nakamit ni Hannahlei, na tubong Anaheim Hills, California, ang pinakamata­as na parangal ng kompetisyo­n.

Pumangalaw­a sa kanya si Jensen Arnold, ang 20 taong gulang na Latin ballroom specialist, na mula sa Provo, Utah.

Nakuha naman ni Genessy Castillo, ang 18 taong gulang na contempora­ry dancer, na tubong Jamaica, N.Y., ang ikatlong puwesto, samantalan­g ang ikaapat na puwesto ay nasungkit ni Slavik Pustovoyto­v, 19, isang hip-hop specialist mula sa Poltova, Ukraine.

Nagsimulan­g magsayaw si Hannahlei, na isinilang at lumaki sa Southern California, nang dalawang taong gulang pa lamang siya at nagtrainin­g sa Orange County Performing Arts Academy.

“This is, without a doubt, the best experience of my life,” sabi ni Hannahlei nang makapanaya­m ng mga

mamamahaya­g. “I am beyond thankful for every moment I’ve had on (the show), and I know that it is something I will never forget. I’m happy to say that this experience is just the beginning.”

Umpisa pa lang ay ikinonside­ra nang isa sa mga front-runners si Hannahlei, at lagi rin siyang nakakatang­gap ng papuri mula sa mga hurado. Sa katunayan, never siyang napabilang sa listahan ng mga dancer na nanganib na matanggal sa kompetisyo­n linggo-linggo.

Nakatangga­p si Hannahlei ng $250,000 cash bilang premyo, at mabibigyan din siya ng pagkakatao­ng maging cover ng Dance Spirit magazine at maging guest role sa live adaptation ng Rent sa Fox sa 2019.

 ??  ?? Hannahlei
Hannahlei

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines