Balita

Sharon, kabado na muling makakatrab­aho si Goma

- Ni REMY UMEREZ

SA part two ng guesting ni Snharon Cuneta sa Gandang Gabi Vice ay maraming rebelasyon ang Megastar tungkol sa mga lalaking romantical­ly linked sa kanya.

Isa na rito si Richard Gomez, na after fifteen years ay muli niyang makakatamb­al sa pelikula.

“Two years din ang itinagal na aming relasyon na off-and-on ang naging takbo. As fate would have it, we have to part ways,” kuwento ni Sharon kay Vice Ganda.

“Ang maganda dito ay we parted as friends. Hindi ako naglupasay at umiyak sa isang sulok. Maayos ang aming paghihiwal­ay, at hanggang ngayon ay we remained friends. Bihira itong mangyari sa ilang naging karelasyon ko,” dagdag pa ni Shawie.

“Marami nang mabago sa buhay namin. At kanya-kanya na kaming pamilya. My memories of Richard ay noong hindi pa siya mayor. I just don’t know kung ano ang mga pagbabago [sa kanya] sapul nang pasukin niya ang pulitika. Very focused person si Richard at maayos sa kanyang mga gamit. I am very proud of him.

“Tungkol sa aming balik tambalan, siyempre, I am happy at kabado,” pag-amin pa ni Sharon.

May forthcomin­g concert si Sharon celebratin­g her 40th anniversar­y sa showbiz sa September 28. Magiging guests ang ilang naging leading men niya sa pelikula, at tiyak na kabilang dito si Richard.

May surprise guest din na hindi pinangalan ni Shawie—at marami ang nagwi-wish na sana ay si Gabby Concepcion ang espesyal na bubulaga sa concert ng Megastar.

 ??  ?? Richard
Richard
 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines