Balita

Robert Pattinson, ‘ready’ sa ‘Twilight’ reunion

-

INIHAYAG ng Twilight star at indie film darling na si Robert Pattinson na “(it feels like) not a day has passed” mula nang filming ng Twilight franchise, ayon sa Variety.

Pumunta si Robert sa Variety Studio sa pamamagita­n ng AT&T para i-promote at pagusapan ang kanyang bagong sci-fi film na

High Life, at biro niya, “(he) stopped mentally progressin­g around the time when I started doing those movies.”

“Whenever anyone says [Twilight]’s their guilty pleasure, it’s like, you say guilty, what you really mean is just pleasure,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Robert, hindi naman niya pinipiling gumawa ng mga mas “arthouse” films kaysa mga malalaking franchise: “It’s just the stuff that appeals to me.”

Aniya pa, hindi niya sinederyos­o ang pagpili ng mga pelikula. Para sa High Life, inamin ni Robert na tatlong taon ang ginugol bago niya nakapulong si director Claire Denis at apat na taon ulit ang lumipas bago siya nakasali sa pelikula saka pa nagsimula ang filming. “Pretty much everything I’ve done are these massive processes…I’m just hoping that these things happen and there’s ton of circumstan­ces that come into play.” Sinabi rin niya ang kaisa-isang bagay na nakaaapekt­o sa kanyang decision-making ay dahil nais niyang tanggapin ang mga role na kabaligtar­an ng huli niyang karakter na ginampanan. Nang pag-usapan naman ang Twilight reunion, biro ni Robert, “the amount of time I’ve spent moisturizi­ng, I am ready to play 17 at a moment’s notice. Ready!”

 ??  ?? Robert
Robert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines