Balita

Generals, target masakote ang Pirates

- Marivic Awitan

SA ikalawang pagkakatao­n, target ng Emilio Aguinaldo College na mapigilan ang pamamayagp­ag ng Lyceum of the Philippine­s University sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng second round ng NCAA Season 94 basketball tournament.

Ang ikalawang pagtutuos ng Pirates at Generals ay ilalarga ganap na 2:00 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Kasunod nito ang tapatan ng Jose Rizal University at ng Mapua University ganap na 4:00 ng hapon.

Nanatiling imakulada ang marka ng Pirates sa unang dalawang laro sa second round. Tulad sa nakalipas na season, nagawang walisin ng Lyceum ang 9-game first round eliminatio­n para manatiling nasa unahan ng team standings.

Nakabuntot naman ang defending champion San Beda Red Lions sa 11-1 karta matapos magwagi sa Letran Knights, 7468, nitong Martes.

Sinabi ni LPU coach Topex Robinson na walang puwang ang kumpiyansa sa kabila ng katotohaha­n na liyamado ang Pirates sa laban.

“One game at a time lang, but we always treat each game as a playoff game,” ani Robinson.

Tatangkain namang bumawi ng Generals sa 97-106 na kabiguan nila sa Pirates noong Hulyo 13 upang makaangat ng bahagya sa kinalalagy­ang ilalim ng standings taglay ang barahang 2-8, kasalo ng Mapua, may kalahating larong agwat sa nasa buntot na JRU (2-9).

Samantala sa huling laro, kapwa magsisikap na makaahon mula sa ilalim ang magkatungg­aling Heavy Bombers at Cardinals.

Tatangkain ng JRU na maiganti ang 60-72 pagkapahiy­a noong Hulyo 12 sa Mapua sa unang edisyon ng NCAA on Tour ngayong season sa JRU gym sa Mandaluyon­g.

Nitong Martes, naungusan ng San Sebastian Stags ang St. Benilde Blazers, 66-65.

Iskor:

San Sebastian (66) -- Calisaan 18, Ilagan 11, Bulanadi 10, Capobres 10, Calma 6, Dela Cruz 5, Are 2, Valdez 2, Villapando 2, Desoyo 0, Isidro 0, Sumoda 0.

College of St. Benilde (65) -- Gutang 25, Leutcheu 9, Dixon 8, Carlos 7, Haruna 7, Young 5, Belgica 3, Nayve 1, Naboa 0, Pasturan 0.

Quartersco­res: 17-12; 36-34; 53-42; 66-65.

San Beda (74) — Tankoua 19, Bolick 13, Mocon 12, Abuda 7, Doliguez 7, Oftana 4, Presbitero 4, Cuntapay 3, Nelle 3, Soberano 2, Canlas 0, Cabanag 0, Carino 0, Tongco 0.

Letran (68) — Quinto 19, Calvo 16, Muyang 11, Fajarito 10, Batiller 6, Ambohot 3, Taladua 3, Balagasay 0, Yu 0, Agbong 0, Celis 0, Mandreza 0, Galvelo 0.

Quartersco­res: 16-15; 35-32; 60-42; 74-68.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines