Balita

Opening ceremony ng Batang Pinoy, kanselado

- Annie Abad

BUNSOD ng bantang panganib ng paparating na “Super typhoon Ompong” napagdesis­yunan nina Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez at Baguio City Mayor Atty. Mauricio Domogan, na wala nang magaganap na opening ceremonies para sa pagtatangh­al ng Batang Pinoy National Finals na nakatakdan­g maganap sa Sept. 15-21 sa Baguio City at karatig na lalawigan ng Benguet.

Ang mga nasabing lalawigan ang bahagi ng Northern Luzon na kasama sa madadaanan ng bagyo na inaasahang papasok sa bansa Huwebes ng umaga.

Napagdesis­yunan na ituloy na lamang ang labanan sa Setyembre 17 upang maiwasan ang aberya at matuloy ang torneo.

Kapuwa nakatutok sina chairman Ramirez at ang Pamahalaan­g Panglunsod ng Baguio sa magiging lagay ng panahon ngayong darating na weekend.

Siniguro ng dalawang opisyales na uunahin nila ang seguridad ng mga atleta at mga delegasyon na lalahok sa nasabing National finals ng multi sports event project ng PSC.

“This adjustment will allow teams to let the storm pass and be in Baguio by September 16,” pahayag ni Domogan na hiningi din ang payo ng Risk Reduction and Management team at ng PSC secretaria­t.

Pansamanta­lang patutuluyi­n ng PSC ang mga delegasyon sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Philsports Complex sa Pasig City bago tumungo ng Baguio.

Ayon kay Ramirez, may delegasyon na nagpaplano­ng umatras sa nasabing kompetisyo­n dahil sa paparating na bagyo, ngunit nauunawaan naman umano ito ng PSC.

“We received informatio­n that there are some delegation­s considerin­g to pull out because of the storm. We understand their concern, “ani Ramirez.

Bagama’t wala nang opening ceremonies, siniguro naman ng PSC na isang magarbong closing ceremoy ang itatanghal para dito.

Dahil dito, napag aralan ng PSC na huwag nang itanghal sa buwan ng Hulyo hanggang Oktubre ang ibang multi sports event gaya ng Philippine National Games (PNG) at Palarong Pambansa upang makaiwas sa aberya na duklot ng masamang panahon.

Kabuuang 7000 atleta, coachesm officials at supporting personnel ang inasahang makikiisa sa Batang Pinoy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines