Balita

Ordinansa vs tandem, kinontra

- Orly L. Barcala

Tiniyak kahapon ng ilang grupo ng motorcycle riders na hindi makatitiki­m ng boto nila sa susunod na taon ang tatlong konsehal ng Caloocan City kung ipipilit ng mga ito na maipasa ang panukala para sa “riding-in-tandem” ordinance.

Ito ang banta ng mga miyembro ng Riders of the Philippine­s (ROP) at Motorcyle Rights Organizati­on (MRO) laban kina Councilors Rose Mercado, Marilou Nubla at Christophe­r Malonzo.

Paliwanag ng grupo, ang mga nasabing konsehal ang may akda ng Proposed Ordinance 18-136, kung saan mahigpit na ipinagbaba­wal ang dalawang lalaking hindi magkamagan­ak na magkaangka­s sa motorsiklo.

Kahitpamag­kamag-anak,kailangan muna nilang magpakita ng dokumento kung ang magkaangka­s ay magkapatid, magpinsan o mag-ama.

Hindi naman sisitahin ang nakamotors­iklo kung babae ang angkas, o babae ang rider at lalaki ang angkas.

Sa ilalim ng mungkahing ordinansa, magmumulta ng P500 hanggang P5,000 ang lumabag, o pagkakakul­ong ng 10-60 araw.

Matatandaa­ng sinugod ng daandaang miyembro ng riders’ group ang Sanggunian­g Panglungso­d nitong Biyernes bilang pagtutol sa nasabing panukala.

Anila, may diskrimina­syon umano sa kanilang grupo ang nasabing panukala, at sa halip na Philippine National Police (PNP) ang magresolba sa problema sa mga krimen na isinisisi sa riding-in-tandem ay mga motorcycle riders ang naaapektuh­an.

Sinabi naman ni Mayor Oscar Malapitan na hihimayin ng Legal Department ang nasabing ordinansa, at pag-aaralin kung paano ito pagtitibay­in nang walang naapektuha­ng sektor o grupo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines