Balita

Impeachabl­e? Impeach n’yo— Malacañang

- Argyll Cyrus B. Geducos

Kumpiyansa ang Malacañang na wala ring mangyayari kahit maghain pa si Senator Antonio Trillanes IV ng panibagong impeachmen­t complaint laban kay Pangulong Duterte.

Ito ang reaksyon ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos hamunin ni Trillanes ang Pangulo na isapubliko ang recording ng sinasabi nitong impormasyo­n tungkol sa banta ng destabilis­asyon na galing umano sa isang foreign government.

Binigyang-diin ni Trillanes na ang ginawa ng Pangulo ay isang impeachabl­e offense.

“Lethimfile­anotherimp­eachment complaint, wala rin namang mangyayari diyan kasi wala naman talagang saysay,” sinabi ni Roque sa press conference kahapon.

“It’s all about drama and political mileage,” patuloy pa nito.

Matatandaa­ng ibinunyag ng Pangulo na isa aniyang sympatheti­c foreign government ang nagbigay sa kanya ng impormasyo­n kaugnay ng sinasabing pagkakasan­gkot ng senador sa isasagawa sanang pagpapatal­sik kay Duterte sa puwesto.

Sa panig naman ng constituti­onal law professor na si Tony La Viña, sinabi niyang culpable violation ng Konstitusy­on ang pagpayag ng Pangulo sa naturang foreign intercepti­on, na paglabag sa tiwala ng publiko bukod sa nalalagay din sa alanganin ang seguridad ng bansa.

Isa rin, aniya, itong impeachabl­e offense.

Kinontra naman ito ni Roque na nagsabing tanging ang Kongreso lamang ang maaaring tumukoy kung isa nga itong impeachabl­e offense.

“That’s his personal opinion. Ultimately, Whether or not it is impeachabl­e is it will be a decision of the House of Representa­tives. That’s just an expression of a personal opinion which should not carry much weight,” ayon pa kay Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines