Balita

Aquino ‘di pa lusot sa Ombudsman

- Nina GENALYN D. KABILING at ELLSON A. QUISMORIO

Hindi pa absuwelto ang kontrobers­iyal na rice chief ng bansa.

Inaasahang aaksiyunan ng Office of the Ombudsman ang anumang reklamo na isasampa laban kay outgoing National Food Authority (NFA) administra­tor Jason Aquino, sinabi ni Malacañang kahapon.

Pinanindig­an ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na maaari pa ring panagutin si Aquino kapag napatunaya­ng nakagawa siya ng anumang pagkakamal­i sa kabila ng kanyang alok na magbitiw sa ahensiya.

“The resignatio­n of anyone not just Jason Aquino will not extinguish criminal or administra­tive liabilitie­s if there are any. Hindi naman big sabihin na kapag ikaw ay nag-resign wala ka ng pananaguta­n,” ani Roque sa press conference sa Malacañang.

“Kung mayroon gustong magreklamo, as I understand that the House itself has classified an act of administra­tor Aquino as technical malversati­on, I’m sure if they will file the proper complaint, it will be acted upon by the Ombudsman,” dugtong niya.

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes na nag-alok si Aquino na bumaba sa puwesto dahil pagod na siya at hindi na makakayana­n ang mga trabaho sa NFA.

Hiniling ng ilang grupo ang pagbibitiw ni Aquino dahil sa diumano’y mismanagem­ent nito na nagbunga ng kakulangan sa supply ng bigas at pagtaas ng presyo nito.

Isang grupo ang iniulat na naghain ng reklamong graft laban kay Aquino dahil sa diumano’y paglilipat ng P5.1 bilyon na para sana sa pagbili ng mga palay noong nakaraang taon upang bayaran ang mga pagkakauta­ng ng ahensiya.

Ang reklamo ay inihain ng Samahang Industriya ng Agrikultur­a (Sinag) sa Office of the Ombudsman nitong nakaraang buwan.

ABOLISH NFA COUNCIL Samantala, suportado ng mga miyembro ng House of Representa­tives ang panawagan ng Pangulo sa Kongreso na buwagin na ang NFA Council, ang policy-making body ng ahensiya na inaatasang tiyakin ang supply ng bigas sa bansa.

Kapwa sumang-ayon sina Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel at Quezon City 2nd district Rep. Winnie Castelo sa opinyon na dapat nang buwagin ang Council dahil sa mga problema sa supply ng bigas.

“One of the main reasons why we have a rice shortage now [is] because the NFA Council took five months to approve the request of NFA to import rice. It’s about time that we should abolish it,” diin ni Pimentel, Assistant Majority Leader.

Tinawag naman ni Castelo, chairman ng Metro Manila Developmen­t Committee, ang 18-member Council na “a proven failure.”

“The compositio­n of the Council also makes them isolated from the actual realities of life in the community,” ani Castelo.

Nitong Miyerkules, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tatrabahui­n ng House ang hiling ng Chief Executive para i- abolish ang NFA Council.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines